Jaclyn Jose, nakatakda pa sanang manood ng sine kasama ang kaibigan ng March 3

Jaclyn Jose, nakatakda pa sanang manood ng sine kasama ang kaibigan ng March 3

- Binahagi ng kaibigan ni Jaclyn Jose na si Bibeth Orteza ang tungkol sa kanilang pagkakaibigan at kung paano sila nagkakilala

- Binahagi din nito ang post ng isang kaibigan ni Jaclyn na isang empleyado sa GMA-7

- Nakatakda pa sana daw silang manuod ng sine nitong Linggo, March 3 ay hinintay siya nito pero hindi na nakarating si Jaclyn

- Ani Bibeth, totoong magmalasakit si Jaclyn sa kanyang mga kaibigan at hindi ito namimili ng kaibigan

Emosyonal ang kaibigan ni Jaclyn Jose na si Bibeth Orteza habang binabalikan ang pagkakaibigan nila. Sa panayam ng ABS-CBN news, naibahagi ni Bibeth na nakatakda pa sana daw silang manuod ng sine nitong Linggo, March 3 at hinintay siya ng kaibigan pero hindi na nakarating si Jaclyn.

Jaclyn Jose, nakatakda pa sanang manood ng sine kasama ang kaibigan ng March 3
Jaclyn Jose, nakatakda pa sanang manood ng sine kasama ang kaibigan ng March 3
Source: Instagram

Sa post ni Jo Macasa, isang kaibigan ni Jaclyn na nagtatrabaho sa GMA, naibahagi pa niya ang kanilang naging pag-uusap kung saan pinlano pa nila ang kanilang panunuod ng sine.

Read also

Jake Ejercito, nag-post ng throwback photo ni Ellie at lola nitong si Jaclyn Jose

We had a good talk last Thursday and I was supposed to see you last night. I waited at the Cinema but you never came. And never will you return. Because the day that I was going to see you was the same day I lost you. I will miss you so much, Tita Jane. Forever and ever my best actress, best ally and best friend.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ani Bibeth, totoong magmalasakit si Jaclyn sa kanyang mga kaibigan at hindi ito namimili ng kaibigan.

She really cared for her friends, to big and small.

Si Jaclyn Jose ay pinanganak noong October 21, 1963 bilang si Mary Jane Guck sa Angeles City, Pampanga. Siya ay kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa iba't ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga natatanging pagganap ay nasa mga pelikulang "Santa Santita", "Saranggola", at "Ma' Rosa", kung saan siya ay nanalo ng mga prestihiyosong parangal sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Read also

Alden sa pagkakadawit sa umano'y isyu nina Sam at Catriona: "Hindi po ako nakikiapid"

Matatandaang sa isang Instagram post na ibinahagi ni Andi Eigenmann kung saan kasama niya ang kanyang pamilya, napakomento ang ina niyang si Jaclyn. Hindi nito napigilang ibahagi ang saloobin sa masayang buhay ng anak kasama ang kanyang sariling pamilya. Napatanong pa ito kung pwede siyang sumali sa masarap na buhay ng pamilya ni Andi sa Siargao. Sinagot naman siya ni Andi at inayang pumunta na rin ito sa kanila sa Siargao.

Nagbabala si Jaclyn sa umano'y gumagamit ng pangalan niya para makapanloko. Sa binahagi niyang picture ng conversation ay makikita ang taong gumagamit ng pangalan niya para makapangutang umano sa ilang kakilala niya. Ani Jaclyn, na-hack umano ang kanyang cellphone kaya huwag maniniwala sa taong nangungutang gamit ang pangalan niya. Mabuti na lamang at nalaman niya ang tungkol dito kaya agad siyang nag-post upang mabigyang babala ang kanyang mga kakilala.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate