Kim Chiu, nilinaw na ang legal complaint ay sumasaklaw lang mula Enero hanggang Hulyo 2025

Kim Chiu, nilinaw na ang legal complaint ay sumasaklaw lang mula Enero hanggang Hulyo 2025

  • Nilinaw ni Kim Chiu na ang legal action na isinagawa ng kaniyang legal team ay sumasaklaw lamang sa panahon mula Enero hanggang Hulyo 2025, habang sinabi niyang may iba pang bahagi ng kuwento na hindi muna niya nais ibunyag sa publiko
  • Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ng aktres na labis siyang nasasaktan sa sitwasyon at nauunawaan niyang maaaring magkaroon ng magkakaibang opinyon ang mga tao tungkol sa kaniyang naging desisyon
  • Ipinaliwanag ni Kim na hindi personal niyang pera ang sentro ng legal action kundi isang negosyong nagsimula noong 2023 na itinayo umano sa pamamagitan ng ilang taon ng trabaho, sakripisyo at mga pangarap
  • Sinabi rin ng aktres na pinipili niyang huwag munang magsalita tungkol sa ilang detalye dahil may nagpapatuloy na legal process at naniniwala siyang may tamang panahon at lugar para maihayag ang iba pang bahagi ng usapin

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naglabas ng opisyal na pahayag si Kim Chiu tungkol sa legal action na isinagawa kaugnay ng negosyong kaniyang binuo, kasunod ng mga kaganapang kinasasangkutan ng kaniyang kapatid na si Lakambini “Lakam” Chiu.

Read also

Video ng emosyonal na pahayag ni Kim Chiu sa ‘Magandang Buhay’, muling binalikan ng netizens

Kim Chiu, nilinaw na ang legal complaint ay sumasaklaw lang mula Enero hanggang Hulyo 2025
Kim Chiu, nilinaw na ang legal complaint ay sumasaklaw lang mula Enero hanggang Hulyo 2025 (📷@chinitaprincess/IG)
Source: Instagram

Sa kaniyang pahayag, unang inamin ng aktres na hindi madali para sa kaniya ang kasalukuyang sitwasyon.

“I do not know where to start po. Sobrang nasasaktan po ako. People may have different opinions with my decision, and I understand that.”

Gayunman, nilinaw ni Kim na may mga bagay siyang hindi maaaring pag-usapan sa ngayon dahil nagpapatuloy ang legal process.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa pinakamahalagang binigyang-diin ng aktres ay ang saklaw ng isinagawang legal action.

Ayon kay Kim, Enero hanggang Hulyo 2025 lamang ang panahong sakop ng isinampa ng kaniyang legal team.

“What my legal team and I have filed covers ONLY the period from January to July of 2025. There is so much more to this story that I am choosing not to disclose publicly.”

Hindi na nagbigay ang aktres ng karagdagang detalye tungkol sa mga bagay na tinutukoy niya bilang bahagi ng mas malawak na kuwento.

Sa halip, ipinaliwanag niya kung ano ang kaniyang pananaw sa legal action at kung bakit hindi niya ito itinuturing na usapin lamang tungkol sa personal na pera.

Read also

Kim Chiu, nagsalita matapos ang arraignment ng kapatid na si Lakam

Ayon kay Kim, ang pinag-uusapang negosyo ay nagsimula noong 2023 at bunga ng ilang taon ng kaniyang pagsisikap.

“This was never about my personal money.”

Sinundan niya ito ng paglilinaw na ang negosyo ay isang bagay na personal niyang pinaglaanan ng panahon, trabaho at mga pangarap.

“This is about a business which started in 2023, built with years of hard work, sacrifices, and dreams. A business I poured my heart into, hoping it would become my future when the time comes for me to step away from show business.”

Sinabi rin ni Kim na para sa kaniya, mahalagang maprotektahan ng kumpanya ang mga bagay na pinaghirapan nitong maitayo at magkaroon ito ng pagkakataong humingi ng accountability sa tamang proseso.

“This is a business I worked so hard to build, and I believe that going through this legal process should never take away the company’s right to stand up for what is right, protect what the company have worked for, and seek accountability through the proper legal process.”

Hindi naman idinetalye ni Kim kung ano ang iba pang bahagi ng usapin na pinili niyang hindi munang pag-usapan.

Read also

Rosmar Tan, naglabas ng matapang na pahayag ukol sa mga akusasyon

Sa halip, sinabi niyang may dahilan kung bakit siya nananatiling maingat sa kaniyang mga pahayag habang dinidinig ang usapin sa legal na proseso.

“There is so much I am choosing not to say right now. Not because I do not have a story to tell, but because there is a proper time and place for the truth.”

Kim, ipaubaya muna sa legal process ang usapin

Sa pagtatapos ng kaniyang pahayag, sinabi ni Kim na sa ngayon ay nagtitiwala siya sa proseso ng batas.

“For now, I trust and let the legal process take its course.”

Ang pahayag ni Kim ay inilabas matapos ang arraignment ni Lakam kaugnay ng 124 counts ng qualified theft na isinampa laban sa kaniya.

Si Lakam ay nag-plead ng not guilty sa pamamagitan ng video conferencing. Samantala, sinabi ng legal team ni Kim na ipagpapatuloy nila ang mga kaso at hindi muna sila makapagbibigay ng maraming komento dahil sa subjudice rule.

Sa kabila ng legal na usapin, kapansin-pansin sa pahayag ni Kim na pinili niyang pag-usapan ang negosyo at ang limitadong panahong sakop ng isinampang legal action, habang hindi muna niya ibinunyag ang iba pang detalyeng tinukoy niyang bahagi ng mas malaking kuwento.

Read also

Sandro Muhlach, nagsalita sa reklamo laban sa amang si Niño

Para kay Kim, ang susunod na mga hakbang ay dapat idaan sa tamang legal na proseso.

Kasunod ng arraignment, nakapagpiyansa na rin si Lakam at nakalabas na mula sa kustodiya. Iniulat ng KAMI na nakapag-post siya ng surety bond at nakalabas mula sa QC Court matapos ang proseso. Ang kaniyang paglabas ay kasunod ng pagharap niya sa mga kasong isinampa ni Kim. Lakambini Chiu, nakapagpiyansa at nakalabas na ng kulungan sa QC Court

Samantala, naglabas din ng opisyal na pahayag ang legal team ni Kim matapos ang arraignment. Binigyang-diin ng kampo ng aktres ang pagpapatuloy ng kaso at ang pagrespeto sa legal na proseso habang dinidinig ang mga asunto. Kim Chiu’s legal team releases official statement on Lakambini’s arraignment

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: