Sandro Muhlach, nagsalita sa reklamo laban sa amang si Niño

Sandro Muhlach, nagsalita sa reklamo laban sa amang si Niño

  • Nagsalita si Sandro Muhlach tungkol sa reklamo ng rider na sangkot sa aksidenteng kinasasangkutan ng kanyang amang si Niño Muhlach, at nilinaw niyang hindi umano pinabayaan ng kanilang pamilya ang mga naapektuhan
  • Ayon kay Sandro, siya mismo ang unang tinawagan ng kanyang ama matapos ang insidente at personal niyang pumunta sa lugar, bago niya inasikaso sa loob ng dalawang araw ang pamilya ng rider
  • Sinabi rin ng aktor na isinugod sa pribadong ospital ang naaksidente at umabot sa P116,000 ang hospital fees, habang naging usapin naman ang kahilingan para sa pagpapalit ng motorsiklo
  • Samantala, sinabi ni Sandro na maayos na ang kalagayan ni Niño ngunit may trauma pa rin ito mula sa nangyari, habang dalawang taon namang binawi ang lisensya ng beteranong aktor

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay na ng pahayag si Sandro Muhlach tungkol sa mga reklamong ibinahagi online ng rider na sangkot sa aksidenteng kinasangkutan ng kanyang amang si Niño Muhlach sa Antipolo City.

Read also

Rosmar Tan, pumalag sa akusasyon ng money laundering

Sandro Muhlach, nagsalita sa reklamo laban sa amang si Niño
Sandro Muhlach, nagsalita sa reklamo laban sa amang si Niño (📷@sandromuhlach's profile picture sandromuhlach/IG)
Source: Instagram

Sa September 20 episode ng KALURKS!, nilinaw ni Sandro na hindi umano pinabayaan ng kanilang pamilya ang rider matapos ang insidente. Sinabi niyang siya mismo ang unang tinawagan ni Niño nang mangyari ang aksidente.

Ayon kay Sandro, agad siyang pumunta sa lugar at siya rin ang personal na nakipag-ugnayan sa pamilya ng rider sa mga unang araw matapos ang insidente.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil dito, sinabi niyang nagtataka siya sa naging pahayag ng rider na tila hindi umano sila natulungan ng pamilya Muhlach.

Ibinahagi rin ni Sandro na isinugod sa isang pribadong ospital ang rider at umabot sa P116,000 ang naging hospital fees.

Sa usapin naman ng pagpapalit ng motorsiklo, sinabi ni Sandro na may mga dokumento umanong hinihintay ang kanilang panig bago ito maasikaso.

“Kasi, sila rin may mali. Gusto nilang mapalitan 'yung motor. Pero unang-una, hindi nila maipakita 'yung mga papeles na kailangan—mga insurance and everything. Wala silang ganoon,” ani Sandro.

Read also

Jopay Paguia, nagpahayag ng kahandaang makatrabaho muli si Rochelle Pangilinan

Ipinaliwanag din niya na para sa kanilang pamilya, mas mahalagang unahin ang kalagayan ng rider bago ang pagpapalit ng motorsiklo.

“Kasi, kakalabas lang niya ng ospital, siyempre, hindi pa siya magaling. Gusto niya agad ng motor. Ang focus namin is siyempre 'yung mapagaling muna siya.”

Nauna rito, nagkaroon ng palitan ng pahayag online matapos maglabas ng reklamo ang rider. Kalaunan, humingi rin ng paumanhin ang rider kina Niño, Diane Abby Tupaz at Angela Muhlach Hortaleza.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, sinabi ng rider na si Nicolas Villanueva na buong-puso niyang tinatanggap ang responsibilidad sa kanyang naging pagkakamali at humingi siya ng tawad sa pamilya Muhlach. Ipinaliwanag din niyang emosyon ang naging dahilan ng kanyang mga naunang pahayag.

Samantala, hindi umano naging maganda ang naging pagtanggap ni Diane sa naunang reklamo dahil naniniwala siyang nakaaapekto ito sa pangalan ng kanilang pamilya. Nauna na rin siyang nagsalita upang ipaliwanag ang panig ng kanilang pamilya tungkol sa umano’y patuloy na pagtulong sa rider.

Sa ngayon, sinabi ni Sandro na maayos na ang kalagayan ng kanyang ama. Gayunman, aminado siyang may trauma pa rin si Niño matapos ang nangyari.

Read also

Kaye Abad, nag-viral matapos makalimutan ang asawang si Paul Jake sa gym

“For me, I think that's okay para rin for safety rin ng dad ko and may driver naman,” ani Sandro tungkol sa pagkakabawi ng lisensya ni Niño sa loob ng dalawang taon.

Naganap ang aksidente noong Agosto sa Marcos Highway sa Antipolo City. Nauna nang sinabi ni Niño na nakatulog siya habang nagmamaneho dahil sa isang “extremely demanding and exhausting schedule” at humingi siya ng paumanhin sa mga naapektuhan.

Mapapanood ang KALURKS! tuwing Linggo, alas-8:30 ng gabi sa GTV. Available din ang mga update at iba pang content ng programa sa GMA Network website at GMA Play app.

Sa naunang ulat ng KAMI noong Setyembre 16, naglabas ng bagong pahayag si Nicolas Villanueva matapos ang naging reklamo niya tungkol sa umano’y tulong na ipinangako kasunod ng aksidente. Humingi siya ng paumanhin kina Niño, Diane at Angela at sinabi niyang tinatanggap niya ang responsibilidad sa kanyang pagkakamali.

Samantala, iniulat naman ng KAMI noong Setyembre 18 ang naging desisyon ng LTO kaugnay ng lisensya ni Niño. Ayon sa ulat, dalawang taon itong binawi kasunod ng aksidenteng naganap sa Antipolo, habang inilagay rin sa alarm ang sasakyang sangkot sa insidente.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate