Alden sa pagkakadawit sa umano'y isyu nina Sam at Catriona: "Hindi po ako nakikiapid"

Alden sa pagkakadawit sa umano'y isyu nina Sam at Catriona: "Hindi po ako nakikiapid"

- Nakapanayam ni Ogie Diaz si Alden Richards ukol sa pagkakadawit nito sa umano'y isyu ng kasal nina Sam Milby at Catriona Gray

- Mariing itinanggi ni Alden ang mga alegasyong ito at hindi pa niya ito kailanman nagawa

- Hiling naman niyang kung anuman ang problema sa ngayon ng dalawa ay malampasan at maayos pa rin ito

- Kabi-kabila ang proyekto ngayon ni Alden Richards tulad ng mga endorsements at maging sa kanyang negosyo

Nakapanayam mismo ni Ogie Diaz si Alden Richards sa isang event na kanilang dinaluhan.

Alden sa pagkakadawit sa umano'y isyu nina Sam at Catriona: "Hindi po ako nakikiapid"
Sam Milby with Catriona Gray (@Sparkle_GMA)
Source: Facebook

Ito ay matapos bigla na lamang umanong sumulpot ang pangalan ni Alden sa umano'y isyu ng kasalan nina Sam Milby at Catriona Gray.

Bungad pa lang ni Alden, mariin niya agad itong itinanggi.

"Wala po akong kinalaman sa balitang 'yan. Hindi po ako nakikiapid. Never ko pong ginawa 'yan. Parang ako nalang lahat, sandali nananahimik po ako. Hindi, yun lang po. Just to clarify and just to clear the air, wala po akong kinalaman. Anything that happens between the lives of the people parang connected romantically in showbiz that are good friends of mine, wala po akong kinalaman 'dun. Pramis po! Mamatay na po ako."

Read also

Mama Loi sa kasal nina Sam at Catriona: "Nag-postponed hindi nag-cancel"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, hiling din niyang maayos kung anuman umano ang pinagdaraanan nina Sam at Cat ngayon.

"Pero sana din po, at the end of the day, lahat ng gusot din po between partners, maayos po eventually, kasi you know, ang sagot naman po minsan talaga ay pag-ibig sa mga misunderstandings."

Narito ang kabuuan ng pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Alden Richards ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nakilala siya sa pagiging isang host ng Eat Bulaga kung saan nabuo ang love team nila noon ni Maine Mendoza, ang Aldub. Subalit dalawang taon ding namahinga si Alden sa programa at pansamantalang nakabalik noong Marso. Subalit muli na naman siyang nawala roon dahil na rin sa paglisan ng mga orihinal na host nito.

Read also

Ogie D, sinabing isa umanong singer-actress ang aaming buntis sa kanyang 2nd baby

Bumida muli si Alden sa pelikulang kasama niya sa Julia Montes. Ito ang pagbabalik pelikula ni Alden kung saan iba naman ang kanyang kapareha. Matatandaang pumatok sa takilya ang pelikula nilang Hello, Love, Goodbye ni Kathryn Bernardo.

Samantala, sa naturang interview sa kanya ni Toni Gonzaga, napag-usapan din nila ang umano'y mga crazy rumors na hanggang ngayon ay naiuugnay sa kanila ng dating ka-love team na si Maine Mendoza. Inakala niyang matatapos na ito nang maikasal si Maine kay Arjo Atayde subalit may ilang fans pa rin na nagsasabing sila umano ni Maine ang ikinasal at nagkaroon pa ng anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel