Ogie D, sinabing isa umanong singer-actress ang aaming buntis sa kanyang 2nd baby

Ogie D, sinabing isa umanong singer-actress ang aaming buntis sa kanyang 2nd baby

- Nabanggit umano ni Ogie Diaz ang tungkol sa isang singer-actress na aaming buntis sa kanyang ikalawang baby

- Ayon kay Ogie, hindi malayong maglantad na ito sa publiko sa mga susunod na araw

- Ito ay dahil maaring i-anunsyo rin nito ang kanyang pansamantalang pamamahinga

- Kilala rin ng publiko ang ama gayung napapanood din umano ito sa mga social media platforms

Sa bagong episode ng kanyang Showbiz Update YouTube channel, nabanggit ni Ogie Diaz ang tungkol sa isang singer-actress na aaming buntis muli ito sa kanyang ikalawang baby.

Ogie D, sinabing isa umanong singer-actress ang aaming buntis sa kanyang 2nd baby
Ogie Diaz Facebook
Source: Facebook

"Meron daw isang singer actress na aamin. One of these days na siya ay... buntis!" ani Ogie.

Dagdag pa nito, kilala na rin naman ng publiko ang ama ng ipinagbubuntis na ito ng hindi pinangalanang singer-actress gayung napapanood na rin daw ito sa mga vlogs at iba pang social media platforms.

Read also

Ogie Diaz sa mga artistang ingles nang ingles: "Ba’t di na lang magtagalog?"

"One of these days talaga... mapapa-declare itong singer na ito na baka magpahinga muna siya or magpatuloy pa rin sa kanyang trabaho since kaya naman niya ang pagbubuntis niya. Pero excited siya sa kanilang second baby," dagdag pa ni Ogie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang Ogie Diaz Youtube channel:

Si Ogie Diaz ay isa sa mga kilalang showbiz reporter sa bansa. Isa rin siyang mahusay na komedyante at napanood na sa ilang mga sitcom at pelikula mula pa noong 90's. Sa ngayon, pinakaaabangan ang kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Inspires at Ogie Diaz Showbiz Update kung saan aktibo siyang nagbibigay ng mga balita mula sa mundo ng showbiz.

Kamakailan, tinagurian ng netizens si Ogie Diaz bilang patron ng mga naghihiwalay. Dahil umano ito sa mga naibabalita niya sa kanyang Showbiz Update YouTube channel kung saan makailang beses siyang nagbahagi ng mga espekulasayon ng hiwalayan ng ilang kilalang showbiz couples na kalaunan ay nakukumpirmang totoo.

Read also

Ogie D, nais mapanood muli si Andrea B sa teleserye: "Napakahusay umarte 'nung bata"

Bukod dito, matatandaang minsan na rin nagpaalala si Ogie Diaz sa ibang mga baguhang artista pagdating naman sa kanilang pag-arte. Ang ilan, pinayuhan niyang dumaan sa acting workshops upang mas mahasa ang kanilang pag-arte. Naging kontrobersyal ang pahayag niyang ito subalit marami pa rin ang nakauunawa bakit niya ito nasabi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel