Jamie Evangelista, nagbigay ng mensahe sa IG tungkol sa kalagayan ni Baron Geisler

Jamie Evangelista, nagbigay ng mensahe sa IG tungkol sa kalagayan ni Baron Geisler

  • Nagbahagi si Jamie Evangelista ng mensahe sa Instagram Stories tungkol sa kalagayan ng kaniyang asawang si Baron Geisler at nagpasalamat sa mga taong patuloy na nagbibigay ng panalangin, pagmamahal at suporta sa aktor
  • Ayon kay Jamie, nakahanap si Baron ng ligtas na lugar kung saan maaari niyang matanggap ang suportang kailangan niya habang dumaraan sa proseso ng recovery at hiniling niyang bigyan ito ng sapat na panahon at espasyo
  • Binigyang-diin ng misis ng aktor na ang kanilang pinagdaraanan ay hindi dapat tingnan bilang usapin ng kahihiyan o judgment kundi bilang pagkakataon para magkaroon ng awareness, compassion at tamang tulong
  • Sa pagtatapos ng kaniyang mensahe, sinabi ni Jamie na hindi kahinaan ang paghingi ng tulong at humiling sa publiko na igalang ang privacy ni Baron at ng kanilang pamilya habang nagpapatuloy ang kaniyang recovery

Nagbigay ng update si Jamie Evangelista tungkol sa kalagayan ng kaniyang asawang si Baron Geisler at nagpasalamat sa mga taong nagpaabot ng suporta at panalangin para sa aktor.

Read also

Kim Chiu, nilinaw na ang legal complaint ay sumasaklaw lang mula Enero hanggang Hulyo 2025

Jamie Evangelista, nagbigay ng mensahe sa IG tungkol sa kalagayan ni Baron Geisler
Jamie Evangelista, nagbigay ng mensahe sa IG tungkol sa kalagayan ni Baron Geisler (📷Baron Geisler/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang mensahe na ibinahagi niya sa Instagram Stories, sinabi ni Jamie na nagpapasalamat siya sa mga taong tunay na nag-alala at naglaan ng oras upang kamustahin si Baron.

“To everyone who has genuinely reached out and expressed concern for Baron, thank you for your prayers, love, and concern,” saad ni Jamie.

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang misis ng aktor tungkol sa partikular na sitwasyong pinagdaraanan nito. Sa halip, binigyang-diin niya na kasalukuyang nasa isang ligtas na lugar si Baron kung saan makatatanggap siya ng kinakailangang suporta at pangangalaga.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Baron has sought refuge in a safe place where he can receive the support and care he needs. Please allow him the time and space to heal and find his way back to his best self again,” dagdag pa niya.

Dahil dito, hiniling ni Jamie sa publiko na bigyan si Baron ng sapat na panahon at espasyo habang nakatuon ito sa kaniyang recovery.

Read also

Video ng emosyonal na pahayag ni Kim Chiu sa ‘Magandang Buhay’, muling binalikan ng netizens

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin din ni Jamie na hindi dapat maging sentro ng usapin ang kahihiyan o panghuhusga.

Aniya, mas mahalagang magkaroon ng pang-unawa sa mga taong dumaraan sa ganitong uri ng pagsubok at kilalanin ang pangangailangan para sa tamang tulong.

“This is not about shame or judgment. It is about awareness, compassion, and recognizing that addiction and mental health struggles require proper help and treatment,” aniya.

Hindi naman idinetalye ni Jamie kung anong partikular na treatment o support ang kasalukuyang natatanggap ni Baron.

Sa halip, nagbigay siya ng pangkalahatang paalala tungkol sa kahalagahan ng paghingi ng tulong para sa mga taong nangangailangan nito.

“Asking for help is not weakness, and recovery is possible,” saad ni Jamie.

Jamie, humiling ng privacy para sa kanilang pamilya

Sa pagtatapos ng kaniyang mensahe, direktang humiling si Jamie ng privacy habang nagpapatuloy ang recovery ni Baron.

“Please respect his privacy and continue to keep him and our family in your prayers,” pagtatapos niya.

Ang mensahe ni Jamie ay kasunod ng mga naging usapin online tungkol kay Baron at sa kanilang pamilya.

Read also

Kim Chiu, nagsalita matapos ang arraignment ng kapatid na si Lakam

Si Baron ay matagal nang bahagi ng industriya ng entertainment at nakilala sa iba't ibang pelikula at teleserye. Sa mga nakaraang taon, naging bukas din siya tungkol sa ilang bahagi ng kaniyang personal na journey at sa kahalagahan ng suporta ng pamilya.

Bago ang pinakabagong mensahe ni Jamie, naging paksa rin ng online discussion ang social media accounts ng mag-asawa. Napansin ng ilang netizens na tila hindi na nag-follow sa isa't isa sina Baron at Jamie sa Instagram, kasunod ng iba pang social media posts ni Jamie. Gayunman, may mga netizen ding nagpaalala na hindi dapat agad gumawa ng konklusyon tungkol sa personal na buhay ng mag-asawa batay lamang sa social media activity.

Samantala, ilang araw bago nito ay nagbahagi rin si Baron ng babala sa publiko matapos niyang sabihin na na-target siya ng scam na umano'y gumagamit ng pagpapanggap bilang fan. Ayon sa ulat, isang taong inakala niyang tagahanga ang nakipag-ugnayan sa kaniya at hinikayat siyang tumawag dahil umano may “urgent” na sasabihin. Dahil dito, nagpaalala ang aktor sa kaniyang followers na maging maingat sa mga random na tawag at mensahe.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate