Jake Zyrus, masaya sa pagbabago sa kanyang katawan bilang isang trans man

Jake Zyrus, masaya sa pagbabago sa kanyang katawan bilang isang trans man

- Ayon kay Jake Zyrus, insecurity niya ang kanyang katawan kaya pinag-isipan niyang mabuti kung ipo-post niya ang kanyang picture sa Instagram

- Aniya, dahil sa maaring sabihin ng mga tao ay hindi siya komportable na ipakita ang kanyang katawan na dumaan sa transformation nang siya ay nag-transition

- Dagdag pa niya, marami siyang pinagdaanan bago niya tuluyang makuha ang confidence niya na ibahagi ang naturang litrato

- Aniya, masaya siya at gusto daw niya ang nakikita niyang pagbabago sa kanyang katawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Jake Zyrus, pinag-isipan niyang maigi kung ibabahagi niya ang kanyang picture kung saan pinakita niya ang pagbabago sa kanyang katawan. Aniya, nag-alanagan siya dahil sa maaring sabihin ng tao.

Jake zyrus, masaya sa pagbabago sa kanyang katawan bilang isang trans man
Jake Zyrus (@jakezyrusmusic)
Source: Instagram

Gayunpaman, napagpasyahan niyang palayain na ang kanyang agam-agam sa kabila ng maaring magiging reaksiyon ng mga tao.

Read also

Donita Nose, nag-empake na at ipinasilip ang lilipatang bahay

Pero ngayon, palalayain ko na lahat yun. Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong buo ko i-post ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, masaya siya at gusto daw niya ang nakikita niyang pagbabago sa kanyang katawan.

Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba 'to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao. Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi parin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan.

Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo.

Read also

AJ Raval, hinamon ang kanyang mga bashers na mag-comment sa kanyang post

Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus.

Sa naunang ulat ng KAMI, naging usap-usapan ang ina ni Jake na si Raquel Pempengcomatapos siyang nireklamo sa programa ni Raffy Tulfo ng kanyang sariling ina. Matapos ang pag-uusap ng mga-ina, nagpatawaran muli sila at tinanggap niya ang kanyang ina sa kabila ng naging akusasyon nito laban kay Racquel.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel