Dalawang magsasaka, nasawi matapos ang tradisyunal na ritwal sa Sarangani

Dalawang magsasaka, nasawi matapos ang tradisyunal na ritwal sa Sarangani

  • Dalawang magsasaka mula sa komunidad ng Tagakaulo sa Alabel, Sarangani ang binawian ng buhay matapos lumahok sa isang tradisyunal na ritwal na ginagamit umano sa pagresolba ng alitan sa lupa nang hindi magkasundo ang magkabilang panig sa antas ng barangay
  • Ayon sa pulisya at sa isang saksi, isinagawa ang ritwal sa Glamang River bilang bahagi ng kaugalian ng kanilang komunidad, ngunit nakaranas ng problema ang dalawang kalahok habang isinasagawa ang proseso
  • Agad na dinala sa ospital ang dalawang magsasaka matapos ang insidente ngunit hindi naisalba ang isa pagdating sa pagamutan habang ang isa naman ay pumanaw makalipas ang ilang oras habang nilalapatan ng lunas
  • Patuloy na iniimbestigahan ng Alabel Municipal Police Station ang buong pangyayari upang matukoy ang lahat ng detalye at mga pangyayaring humantong sa insidente na ikinagulat ng maraming residente sa lugar

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang nakalulungkot na insidente ang naganap sa lalawigan ng Sarangani matapos mauwi sa trahedya ang pagtatangka ng dalawang magsasaka na ayusin ang kanilang matagal nang alitan sa lupa gamit ang tradisyunal na paraan. Nasawi ang dalawang biktima matapos umanong malunod habang isinasagawa ang isang ritwal sa Glamang River sa bayan ng Alabel, Sarangani Province, noong Biyernes, Oktubre 16.

Read also

Dawn Chang at Atty. Ralph Calinisan, engaged na matapos ang limang taon

Dalawang magsasaka, nasawi matapos ang tradisyunal na ritwal sa Sarangani
Dalawang magsasaka, nasawi matapos ang tradisyunal na ritwal sa Sarangani (đź“·Reydan Dabon/Facebook)
Source: Facebook

Kinilala ng Alabel Municipal Police Station ang mga nasawi na sina Tonny Bulanon Mansag, 69 anyos at residente ng Sitio Ulo Tubay, at Gaspar Tusan Palasanon, 49 anyos na nagmula naman sa Sitio Katimbol. Ang dalawang magsasaka ay parehong naninirahan sa Barangay Datal Anggas at parehong nabibilang sa katutubong komunidad ng Tagakaulo.

Ayon sa nakasaksi sa pangyayari na kinilalang si Reydan Dabon, mayroong matinding hindi pagkakaunawaan ang dalawang magsasaka patungkol sa isang lupain. Dahil umano nabigong magkasundo at maresolba ang isyu sa lebel ng barangay, nagdesisyon silang idaan ito sa kanilang tradisyunal na sistema ng hustisya na tinatawag na “sulif”.

Ang "sulif" ay isang matandang ritwal kung saan inaasahang lulubog at mananatili sa ilalim ng ilog ang mga kasali bilang paraan upang husgahan kung sino ang may katwiran o upang pormal na tapusin ang isang hidwaan. Ayon sa imbestigasyon ng Alabel police, boluntaryong nagtungo sina Mansag at Palasanon sa Glamang River na matatagpuan sa Sitio Glamang bandang alas-10 ng umaga upang isagawa ang nasabing ritwal.

Read also

Ina, nasugatan matapos pagsabihan ang 14-anyos na anak tungkol sa pag-aaral

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Subalit, batay pa rin sa ulat ng pulisya, napansin na lamang na tila nagkakaproblema na ang dalawa. Matapos manatili nang nakalubog sa ilalim ng ilog sa loob ng halos labindalawang minuto ay nag-umpisa umano silang parehong mahirapang huminga. Agad na nag-alala at rumesponde ang kanilang mga kamag-anak upang iahon sila mula sa tubig.

Mabilis na isinugod ng kanilang mga pamilya ang dalawang magsasaka sa Sarangani Provincial Hospital upang malapatan ng lunas. Sa kasamaang palad, idineklarang dead on arrival ng mga doktor si Mansag. Ang pangalawang biktima na si Palasanon ay pumanaw rin pagkalipas ng ilang oras habang siya ay nananatiling naka-confine at ginagamot sa parehong ospital.

Nalaman na lamang ng Alabel Police Station ang tungkol sa malagim na insidente bandang alas-5:45 ng hapon. Ito ay matapos makita ng mga pulis na nagsasagawa ng cyber patrol ang isang post sa Facebook kung saan ipinapakita ang dalawang lalaking nalulunod sa ilog habang isinasagawa ang ritwal. Dahil dito, agad na naglunsad ng mas malalim na imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang iba pang detalye at buong pangyayari sa likod ng insidenteng ito.

Read also

Bangkay ng 33-anyos na labandera, natagpuan sa sako sa Talisay City

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na may buhay na nawala dahil lamang sa matinding alitan sa lupa sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Kamakailan lamang, isang anak ang nanawagan ng hustisya matapos masaksihan ang pamamaslang sa kanyang mga magulang dahil rin sa matinding sigalot sa isang pinag-aagawang lupain. Emosyonal na ikinuwento ng anak kung paano binaril ang kanyang ina at ama habang sila ay nasa loob ng kanilang sariling bakuran, na ikinagalit ng maraming netizens na umaasa ng agarang hustisya para sa mga biktima.

Sa isa pang kaugnay na ulat, isang 51-anyos na babae naman ang nagtamo ng malubhang sugat matapos siyang atakihin ng mismong mga kamag-anak. Base sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, nag-ugat ang matinding tensyon at karahasan sa pagitan ng pamilya dahil din sa hindi nilang pagkakaunawaan tungkol sa hatian ng namang lupain na nauwi sa pamimisikal ng kanyang mga sariling kaanak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate