Lola ni Jake Zyrus, naglabas ng saloobin at humingi ng tulong kay Raffy Tulfo

Lola ni Jake Zyrus, naglabas ng saloobin at humingi ng tulong kay Raffy Tulfo

- Emosyonal na humingi ng tulong ang lola ni Jake Zyrus na si Tess Pineda sa programa ni Raffy Tulfo

- Ito ay dahil sa wala umano siya sa poder ng kanyang mga anak partikular na kay Raquel Pempengco na ina ni Jake Zyrus

- Kwento ni Lola Tess, nagagawa di umano ni Raquel na saktan siya kaya naisipan na lamang niyang umalis sa kanilang bahay

- Isang nagmalasakit na kaibigan lamang ni Lola Tess ang kumukupkop sa kanya sa ngayon ngunit ayon naman kay Raquel tatanggapin pa rin naman niya ang kanyang ina kung ito ay babalik sa kanyang poder

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lola ni Jake Zyrus, naglabas ng saloobin at humingi ng tulong kay Raffy Tulfo

Photo from Jake Zyrus' Instagram
Source: Instagram

Umiiyak na humingi ng tulong si Tess Pineda ang lola ng kilalang singer na si Jake Zyrus sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' ngayong Nobyembre 23.

Nalaman ng KAMI na umalis sa poder ng kanyang mga anak si Lola Tess na 74-anyos na lalo na at sinasaktan daw siya di umano ng ina ni Jake na si Raquel Pempengco.

PWD na nag-donate sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses, umani ng papuri mula sa netizens

Kwento ng lola ni Jake, nabato raw umano siya ni Raquel sa di niya malamang dahilan na tila ba'y mainit lamang daw talaga ang dugo nito sa kanya.

"Hindi ko po alam bakit napakabigat ng dugo sa akin ng anak ko. Masama raw po akong tao, masa raw po akong ina!"

Kasalukuyang nakatira si Lola Tess sa isang nagmalasakit sa kanyang Facebook friend na si Edith Guiyab. Ayon kay Edith, naawa siya sa mga post ni Lola Tess na nakararanas daw ng gutom kahit na nasa pangangalaga ito ng kanyang anak.

Kinausap din ni Tulfo si Raquel upang marinig naman ang panig nito ukol sa mga akusasyon sa kanya ng kanyang sariling ina.

"Sadya naman pong ginagawa yan ni nanay sa akin, wala na pong bago, ako po'y sanay na," bungad ng ina ni Jake.

Sa salaysay ni Raquel, gawain umano talaga ng kanyang ina ang umalis at bumabalik din o di kaya nama'y may maghahatid nito sa kanya.

Mister, naiyak nang makaharap ang misis na nabuntis ng kanyang tropa

May pensyon naman daw na natatanggap ang ina dagdag pa raw doon ang pensyon ng yumao niyang ama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ipinakita rin ni Raquel ang kwartong tinutuluyan ni Lola Tess tuwing nasa bahay ito ni Raquel.

Maayos na kama na mayroon pang aircon ang kwarto kung saan naroon din ang mga damit ng kanyang ina.

Pinabulaanan din ng mommy ni Jake na sa garahe lamang niya pinatutulog ang sariling ina tulad ng sinasabi nito.

Pinakiusapan din nito na huwag nang gambalain pa ni Lola Tess si Jake gayung may sarili na itong buhay. Naroon pa naman daw silang mga anak nito na maaring tumulong pa rin sa kanya.

Sinikap ni Tulfo na pagkasunduin na lamang ang dalawa subalit hindi ito nangyari.

Gayunpaman, tutulungan pa rin ni Tulfo si Lola Tess lalo na sa kanyang mga pagpapagamot habang si Raquel naman ay bukas pa rin sa pagkakataong maibalik sa poder niya ang kanyang ina.

VP Leni Robredo, dinepensahan ang mga anak: "Ngayon, ang binubully mga anak ko"

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jake Zyrus ay isa sa kilalang singer sa bansa. Una siyang nakilala bilang si Charice Pempengco na nakilala internationally. Katunayan, naging bahagi siyang ng musical show na "Glee."

Kamakailan, ay nai-ulat ng KAMI na nadala umano sa ospital ang lola ni Jake na si Lola Tess matapos na ito'y unang dumulog sa programa ni Tulfo.

Una na ring naglabas ng isang video ang ina ni Jake kung saan pinabubulaanan niya ang patuloy na pang-aakusa sa kanya ng ina sa pagiging isang masamang anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel