Raffy Tulfo, hinangaan lalo ng netizens sa pagiging 'sweet' na ama

Raffy Tulfo, hinangaan lalo ng netizens sa pagiging 'sweet' na ama

- Viral ang birthday greeting ni Raffy Tulfo para sa kanyang anak na si Maricel Tulfo-Tungol

- Sa kaarawan nito noong Hulyo 2, isang sweet message ang post ni Tulfo para sa kanyang panganay na anak

- Si Maricel ang misis ni Atty. Garreth Tungol ng ACT-CIS na madalas din na mapanood sa programang 'Wanted sa Radyo' ni Tulfo

- Namangha ang mga netizens sa pagbati ng kanilang Idol Raffy sa anak nito na nagpapakita lamang kung anong klaseng padre de pamilya siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang birthday greeting ni Raffy Tulfo sa panganay niyang anak na si Mar Tulfo-Tungol.

Sa Instagram post ni Tulfo, makikita ang 'sweet side' nito pagdating sa kanyang pamilya.

"Watched you grow into this amazing woman you are today!"
"Continue being the best daughter as you are, the best mom to @graysonmaxwelltungol and the best wife to @chigarret," dagdag pa ni Tulfo sa mensahe niya sa kanyang panganay na anak.

Read also

Raffy Tulfo at Mayor Vico Sotto, nagtulungang madakip ang mga 'scammer' sa Pasig

Raffy Tulfo, hinangaan lalo ng netizens dahil sa birthday greeting niya sa anak na si MarNap
Photo: Raffy Tulfo @raffytulfoinaction
Source: Instagram

Maraming netizens ang nakibati rin sa pagdiriwang ng kaarawan ni Mar at naantig sa birthday greeting ni Tulfo. Patunay lamang daw kasi ito kung gaano kalambot ang puso ni Tulfo pagdating sa kanyang pamilya.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Kung ga'no ka-astig si Idol Raffy sa Wanted sa Radyo, ganoon naman siya ka-sweet sa kanyang mga anak."
"Ang sweet naman ni sir Raffy lalo na sa kanyang unica hija"
"Napakaswerteng mga anak at ang ama nila ang napakabuti at napakamatulunging si Raffy Tulfo"
"Talagang Idol Raffy siya kasi maski sa family mabuting ehemplo siya"
"Sweet message coming from a dad, Happy Birthday po Mar.

Si Maricel ang misis ni Atty. Garreth Tungol ng ACT-CIS na madalas din na mapanood sa programang 'Wanted sa Radyo' tuwing may isinasangguni sa kanya si Tulfo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Pinay fan, Php 2.2 million na ang nagastos sa kanyang BTS collection at concert tickets

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.8 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel