Pinay fan, Php 2.2 million na ang nagastos sa kanyang BTS collection at concert tickets

Pinay fan, Php 2.2 million na ang nagastos sa kanyang BTS collection at concert tickets

- Umabot na sa milyon-milyong piso ang halaga ng nagastos ng isang certified 'BTS Army'

- Ito ay pagbili ng mga BTS merchandise at concert tickets ng kanyang mga idolo

- Wala naman siyang pinagsisishan sa mga nagastos lalo na at sarili naman niya itong pera

- Malaki rin ang naitulong sa kanya ng grupo na naging mga idolo niya mula pa noong 2018

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Pinay an ang nagbahagi ng kanyang nag-uumapaw na koleksyon ng mga merchandise ng iniidolo niyang KPop group, ang BTS.

Nalaman ng KAMI na dahil certified 'BTS Army' si "Etang," ginastusan niya ng milyon ang kanyang BTS collection.

Sa panayam sa kanya ng programang Kapuso mo, Jessica Soho, nabanggit niyang nasa Php2.2 million na ang nagagastos niya sa pagbili ng mga bagay na may kaugnayan sa kanyang mga iniidolo.

Read also

Pangulong Noynoy Aquino, pinakamalapit kay Josh ayon sa isa pa niyang pamangkin

Pinay fan, Php2.2 million na ang nagastos sa mga BTS collection at concert tickets
BTS fan na si Etang (Photo from Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: Facebook

Bukod pa rito ang mga concert tickets na kanya rin talagang ginagastusan mapanood lang sina Rap Monster, Jin, Suga, J-Hope, V, Jimin, and Jungkook.

Kwento ni Etang, malaking bahagi na ng kanyang buhay ang grupo lalo na at nakilala niya ang mga ito sa panahong kailangang-kailangan niya ng inspirasyon.

"'Yung BTS, part na siya ng buhay ko. They make me happy."
"BTS came into my life when I needed them the most. 'Yung ibang ARMY na nakausap ko, ganoon din 'yung feeling. Dumating 'yung BTS sa buhay nila nung kailangan talaga nila"

Taong 2018 nang magsimula rin na mangolekta si Etang ng mga BTS merch. Ipinakita niya ang ilan sa mga bahagi ng kanyang koleksyon na ang ilan ay nakuha pa niya sa mismong mga events ng grupo.

Aniya, wala naman siyang pinagsisihan sa laki ng kanyang nagagastos sa pagtangkilik sa grupo lalo na pinaghirapan naman niya ang pera na ginastos at hindi naman niya ito hiningi kaninoman.

Read also

Mga pamangkin ni PNoy, inalala ang mga huling araw ng kanilang 'Tito Noy'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang ulat ng KAMI, matatandaang isang delivery rider ang natulungan ng mga Pinoy fans ng BTS na kung tawagin ay 'BTS Army'.

Ito ay matapos na magbigay suporta ang naturang delivery rider na inilunsad na BTS meal sa bansa noong Hunyo 18.

Masaya raw siyang magde-deliver ng meal na ito mula sa McDonald's lalo na sa mga fans ng KPop group.

At dahil kinagiliwan siya ng mga fans, nakalikom ang mga ito ng Php45,000 dagdag tulong pinansyal sa delivery rider.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica