Resort sa Caloocan na dinagsa ng mga tao, pinapasara ni Mayor Oscar Malapitan
- Kumalat ang mga video at picture na kuha sa isang resort sa North Caloocan kung saan maraming tao ang nakuhanang nasa swimming pool
- Umani ng mga reaksiyon mula sa publiko ang mga viral na litrato na kuha sa Gubat sa Ciudad Resort sa Barangay Bagumbong
- Naganap ito habang nasa ilalim ng MECQ ang buong Metro Manila kaya pinapasara ng Mayor ang nasabing resort
- Pinapayagan lamang ang pagbukas ng ganitong establisyemento sa ilalim ng general community quarantine at Modified GCQ
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Lumikha ng ingay ang mga viral na litrato na kuha sa isang resort sa North Caloocan nitong Linggo ng hapon.
Makikita sa mga kumakalat na litrato at video sa social media ang pagdagsa ng mga tao sa Gubat sa Ciudad Resort sa Barangay Bagumbong.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ito ay sa kabila ng pagbabawal sa pagbukas ng ganitong uri ng establisyemento sa ilalim ng modified enhanced community quarantine.
Dahil sa paglabag sa health protocols, inutos ni Caloocan Mayor Oscar Malapitan na ipasara ang nasabing resort. Ayon pa sa ulat ng Philippine Star, babawiin ang lisensya ng nasabing resort.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao.
Nagpatupad na rin ng mga quarantine ang ibang mga lalawigan.
Ang COVID-19 o Corona Virus Disease ay sanhi ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay umabot na sa mahigit 1 milyon ang naitalang COVID-19 cases sa Pilipinas. Maging ang mga health care workers na tinamaan ng COVID sa bansa ay dumami din.
Sa katunayan, isang doktor ang pumanaw kamakailan matapos siyang tamaan ng COVID sa pangalawang pagkakataon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh