Miss Universe Canada Nova Stevens, nilinaw na malaki ang pasasalamat kay Michael Cinco

Miss Universe Canada Nova Stevens, nilinaw na malaki ang pasasalamat kay Michael Cinco

- Matapos nga bweltahan ng Pinoy designer na si Michael Cinco ang hindi magandang pahayag sa kanyang serbisyo, nagsalita na rin si Nova Stevens

- Si Stevens ang pambato ng Canada sa katatapos lang na Miss Universe 2020 kung saan hindi ito nakapasok maging sa Top 21

- Nilinaw nito na taliwas sa lumalabas na balita, malaki umano ang respeto at pasasalamat niya sa Pinoy designer

- Matatandaang nauna nang sinabi ni Cinco na siya ang gumastos para sa homecoming ni Stevens at maging sa isang photoshoot nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsalita na rin si Miss Universe Canada Nova Stevens matapos kumalat ang balita tungkol sa naging buwelta ng Pinoy designer na si Michael Cinco sa agency na may hawak kay Miss Canada.

Miss Universe Canada Nova Stevens, nilinaw na malaki ang pasasalamat kay Michael Cinco
Michael Cinco (@michael5inco)
Source: Instagram

Ayon kay Stevens, malaki ang kanyang pasasalamat kay Cinco dahil ito ang dahilan na nakasama niyang muli ang kanyang mahal sa buhay nang gumastos ito para sa homecoming ni Stevens.

Read also

Michael Cinco, umalma sa akusasyon ng pananabotahe mula sa kampo ni Miss Canada

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naibahagi din ng Pinoy designer na siya gumastos para sa photo shoot ni Stevens. Ayon pa sabeauty queen, parehos niyangnirerespeto at pinasasalamatan si Cinco at ang agency na may hawak sa kanya.

Hiling niya na sana ay maayos ng magkabilang panig ang isyu sa pamamagitan ng pribadong pag-uusap.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Michael Cinco ay isang kilalang designer sa iba't-ibang panig ng mundo. Taong 1997 nang pumunta si Cinco sa Dubai at matagumpay na nakapagpatayo ng kanyang sariling fashion line noong 2003.

Ilan sa kanyang mga bigating naging kliyente ay sina Beyonce, Rihanna, Lady Gaga, Carrie Underwood, Kylie Minogue, Britney Spears, Christina Aguilera, Ellie Goulding, Nicole Scherzinger, Aishwarya Rai, Fergie Ferguson, Dita Von Teese, Brandy Norwood, Ashanti, Chris Brown, Tyra Banks at Naomi Campbell.

Read also

Twitter account na nakapangalan kay Jam Magno, suspendido na rin

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang inalmahan ni Cinco ang negatibong pahayag mula sa agency na may hawak kay Miss Canada kaugnay sa kanyang gown na ginawa para kay Stevens.

Matapos ang matinding pambabatikos na natanggap, nag-private ng kanyang Instagram si Miss Canada.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate