Nova Stevens, nag-private ng IG matapos ilabas ang pahayag kay Michael Cinco

Nova Stevens, nag-private ng IG matapos ilabas ang pahayag kay Michael Cinco

- Biglang naging private ang Instagram account ni Miss Universe Canada Nova Stevens

- Pinaniniwalaang ito ay matapos na patuloy na mabatikos umano dahil sa paglalabas niya ng saloobin kaugnay sa pahayag ng Filipino designer na si Michael Cinco tungkol sa Team Canada

- Aminado si Stevens na nasaktan umano siya sa nangyayari gayung pareho niyang pinasasalamatan ang MGmode at si Cinco

- Gayunpaman, sinabi ni Syevens na isa sa mga naging highlight ng kanyang career sa Miss Universe ay ang makapagsuot ng gown na gawa ni Cinco

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Private na ang account ni Miss Universe Canada Nova Stevens matapos lamang na mailabas naman niya ang kanyang pahayag kaugnay sa kontrobersiyang sa pagitan ng Team Canada o MGmode communitcations at ng Filipino designer na si Michael Cinco.

Nalaman ng KAMI na nagsimula ang sigalot sa pagitan ni Cinco at ng nasabing team na humawak kay Miss Canada nang ibunyag umano ng MGmode na late na dumating ang gown mula kay Cinco at hindi pa umano tama ang fit nito kay Stevens.

Read also

Suspek, lakas loob pang sumama sa paghahanap sa bangkay ng biktima

Nova Stevens, nag-private ng IG matapos ilabas ang pahayag kay Michael Cinco
Photo: Nova Stevens (@missuniversecanada)
Source: Instagram

Iginiit naman ni ng Filipino designer na maayos na nai-fit ni Stevens ang kanyang ginawang gown subalit hindi lamang umano niya sinunod ang 23 inches na waistline gayung 26 ang sukat ni Miss Canada.

Sinabi rin ni Cinco na pera niya ang ginastos sa mga gowns ng hinawakan ng kandidata ng MGmode sa loob ng tatlong taon.

Dahil dito, naglabas na rin ng pahayag si Miss Canada bilang nadadamay na rin umano siya sa mga patutsada ng magkabilang panig.

Sa kanyang huling Instagram post bago ito maging pribado, naipahayag niya ang kanyang panig at nilinaw niyang labis siyang nagpapasalamat sa MGmode gayundin kay Cinco.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"Unfortunately, I’ve been made to be involved so I just want to clarify few things. This really hurts me because I have nothing but love for both parties. They have both helped me in ways that I cannot even count. So everyday I do count my blessings because of these two people, MG mode and Michael Cinco."

Read also

Michael Cinco, umalma sa akusasyon ng pananabotahe mula sa kampo ni Miss Canada

Nagbigay din siya ng diretsahang mensaha sa kanyang naging designer.

“Michael, I have nothing but love and gratitude towards you. You have created the most beautiful gowns I could even think of. The fact that I was able to work with you is honestly a highlight of my career as Miss Universe Canada. So I just want you to know that gratitude will never diminish no matter what and I express that gratitude publicly and privately and God knows my heart."

Subalit matapos lamang ang paglabas ng pahayag na ito, hindi na makita ng publiko ang IG account ni Stevens.

Nova Stevens, nag-private ng IG matapos ilabas ang pahayag kay Michael Cinco
Photo from @thenovastevens
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Nova Stevens ang pambato ng bansang Canada sa Miss Universe 2020 na ginanap noong Mayo 17 sa Florida, USA.

Matatandaang sa preliminaries pa lang ng pageant, naging maingay ang pangalan ni Stevens kaugnay sa mga pambabatikos na natanggap nito at karamihan pa sa naibigay niyang halimbawa ay mula sa mga Filipino.

Read also

Raffy Tulfo, pinayuhan ang nagreklamong Food Panda rider na mag-resign na

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Maging si Rabiya Mateo na pambato ng Pilipinas ay humingi ng paumanhin kay Stevens at makikita pa silang masayang nagkukulitan sa isang viral video.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica