Video ng lalaking namatayan ng mag-ina bago ang kanyang graduation day, viral

Video ng lalaking namatayan ng mag-ina bago ang kanyang graduation day, viral

- Agaw-eksena sa TikTok ang nakakadurog ng pusong kwento ng lalaking namatayan ng kanyang mag-ina

- Ang masaklap, hindi na nito inabot ang kanyang graduation day na isa rin sa mga pangarap nila ng kanyang nobya

- Hindi manlang daw nila naiburol ang mga ito at agad na ipina-cremate

- Bukod sa pakikiramay, nalulungkot din ang mga netizens na nakapanood ng naturang TikTok video

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang naluha sa TikTok video na naibahagi ni @nhoj_allidap kung saan makikita ang isang lalaking namatayan ng mag-in bago pa sumapit ang kanyang graduation day.

Nalaman ng KAMI na sa unang bahagi ng video, nagkaroon pa ng munting gender reveal party ang magkasintahan ay kitang-kita ang excitement nila sa pagkakaroon nila ng baby.

Subalit sa mga sumunod na bahagi na ng video, makikitang wala na ang nobya at hawak na lamang ng lalaki ang urn ng mga ito.

Read also

Yeng Constantino, symptomatic sa COVID-19 nang biglang pumanaw naman ang ina

Video ng lalaking namatayan ng kanyang mag-ina bago ang kanyang graduation day, viral
Photo from @nhoj_allidap TikTok
Source: UGC

Sa comment section, sinagot din ng nagbahagi ng video ang ilang katanungan ng netizens lalo na ang tungkol sa nangyari sa mag-ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinabing acute pancreatitis ang ikinamatay ng ina at nadamay na rin ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Ang masaklap din sa nangyari, hindi na inabot pa ng mag-ina ang pagtatapos ng lalaki na isa umano sa kanilang pinapangarap.

Maging ang mga netizens ay aminadong nakaramdam ng lungkot at pakikiramay sa lalaki.

Narito ang kabuuan ng video:

Isa rin sa mga nakakaiyak na nag-viral sa TikTok ay ang tungkol sa isang buntis na hindi na nadugtungan ang kanyang video.

Sa kasamaang palad, pumanaw na siya kaya naman hindi na ito nagawa.

Subalit dahil bilin ito ng kanyang kapatid, naisipan pa rin ni Shanna na tapusin ang video. Kaya naman nilagay niya ang larawan ng kanyang ate sa tabi ng pamangkin niyang si Kyte.

Read also

Barbie Hsu at mister na businessman, tuluyan nang naghiwalay

Masakit para sa kanilang pamilya na maagang naulila si Kyte at hindi rin sila makapaniwala na wala na rin ang kanyang ate.

Samantala, maging ang mga netizens ay naging emosyonal sa kakaibang bersyon na ito ng sikat na TikTok video.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel