TikTok video ng isang buntis na di na nadugtungan pagkasilang, nagpaluha sa netizens

TikTok video ng isang buntis na di na nadugtungan pagkasilang, nagpaluha sa netizens

- Viral ang TikTok video ng isang buntis na di na niya nadugtungan pagkapanganak

- Kwento ng kanyang kapatid, dudugtungan sana ng buntis ang video kung saan hawak na niya sana ang kanyang baby

- Sa kasamaang palad, pumanaw na ito kaya naman larawan na lamang niya na katabi ng kanyang baby ang naging karugtong ng video

- Maging ang mga netizens ay naging emosyonal nang makita ang kakaibang bersyon na ito ng "My Heart went... ooops!" sa TikTok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napaluha ang maraming netizens sa TikTok video ng isang buntis na hindi na niya naisakatuparang dugtungan pa.

Binahagi na lamang ng kanyang kapatid na si ShannaRa Marie ang video na siya na rin ang nagdugtong dito.

Gamit nila ang tugtog na "My Heart went... ooops!" sa TikTok kung saan, magbabagong anyo o bihis ang gumagawa nito sa ikalawang bahagi.

Ang orihinal na plano ng buntis na si Marian Gracey, dudugtungan niya ang video pag hawak na niya ang anak na si Kyte pagkapanganak niya rito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit sa kasamaang palad, pumanaw na siya kaya naman hindi na ito nagawa.

Subalit dahil bilin ito ng kanyang kapatid, naisipan pa rin ni Shanna na tapusin ang video. Kaya naman nilagay niya ang larawan ng kanyang ate sa tabi ng pamangkin niyang si Kyte.

Masakit para sa kanilang pamilya na maagang naulila si Kyte at hindi rin sila makapaniwala na wala na rin ang kanyang ate.

Samantala, maging ang mga netizens ay naging emosyonal sa kakaibang bersyon na ito ng sikat na TikTok video.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Condolence, muhang excited pa naman sis mo sa pagiging mommy"
"Condolence, kakaibang version ito nakakiyak!"
"Nakakalungkot naman itong video na ito, sa una akala ko kulitan, naluha tuloy ako"
"Sayang hindi na nasundan pa ng ate mo yung video, ang kulit pa naman niya sa umpisa"
"Akala ko kasama na niya yung baby pagkatapos ng ooops! picture na lang pala niya ang kasama"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel