TikTok video ng buntis na di nadugtungan, isiniwalat ng kapatid ang nakakaiyak na dahilan

TikTok video ng buntis na di nadugtungan, isiniwalat ng kapatid ang nakakaiyak na dahilan

- Binahagi sa KAMI ng kapatid ng buntis sa viral na TikTok ang dahilan kung bakit wala na ang kanyang kapatid sa karugtong ng video

- Kahit wala na raw ang kanyang ate, minabuti niyang tapusin ang video kung saan plano ng kapatid na kasama na niya mismo ang anak dito

- Nagpaluha ito sa maraming netizens at umabot na sa 1.5 ang views ng video na ito

- Dalawang buwang gulang na ang sanggol na noo'y maayos na naipanganak ng kanyang kapatid bago ito pumanaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

TikTok video ng buntis na di nadugtungan, isiniwalat ng kapatid ang nakakaiyak na dahilan
Buntis sa viral TikTok video (Screengrab ShannaRa Marie Facebook)
Source: UGC

Nag-viral ang TikTok video ng isang buntis na binalak niyang dugtungan matapos niya sanang makapanganak.

Nalaman ng KAMI na di na ito naisakatuparan ng buntis dahil sa nagkaroon ng komplikasyon ang kanyang pangangak at idinetalye ito ng kanyang kapatid na si ShannaRa Marie.

Marami ang naantig sa kakaibang TikTok video na ito ng kapatid ni ShannaRa dahil inaasahan ng mga netizens na kasama na ng buntis ang kanyang baby sa karugtong ng video.

Ngunit sa kasamaang palad, larawan na lamang niya ang kasama nito.

Buong tapang ng binahagi ng mismog kapatid ng misis sa viral video ang nangyari sa kanyang kapatid sa nakakadurog ng pusong TiktTok video na nagpaluha sa nasa 1.5 million na nakapanood nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Narito ang salaysay ni ShannaRa:

"Ang cause po ng pagkamatay niya eh nung nanganak po siya sa ikaapat niya na anak who is pamangkin ko, nanganak po siya via cesarean section pero yung tatlo po normal naman.

Then nag-bleed siya naubusan po siya ng dugo walang stock yung hospital hanggang sa nagkaroon na po ng komplikasyon at na comatose siya.

Pinipilit po niyang lumaban hanggang sa hindi na po niya kinaya tapos ayon po namatay po siya. Lumobo po siya nung namatay gawa po siguro ng gamot na ginamit sa kanya

Na cardiac arrest po siya niri-revive pa po pero wala na po talaga .Kawawa po yung naiwan niyang anak lalong lalo na po yung baby.

At sa amin din po kasi namatayan na din po kami ng kapatid last 2016 tas ito po yung ate ko naman.

Sa ngayon po nasa akin po yung baby. Pero dahil may trabaho po ako pinaubaya ko muna sa lola niya pero magkakasama naman po kami dito sa isang bahay.

Actually po since nabuntis po siya regular check-up naman siya may sarili po siyang OB every month po nagpapa-ultrasound at check-up naman siya para i-check yung baby. Pero in place naman po yung baby.

Sinasabe naman sa kanya na normal siya. The day po na manganganak na siya May 20, 2020 alas 5 po ng umaga naglalabor na po siya the bandang 11am naligo na po siya nag-prepare then pumunta na kaming hospital and nag 6cm na po siya tas dinala na po siya sa delivery room.

Tumawag po yung doctor sabi po ng doctor lumalabas na po yung ulo ng baby pero sumabit daw yung balikat ng baby sa pwerta niya kaya need daw cs para maagapan kasi kung hindi po mamamatay daw yung baby.

Kagaya nga po ng sabe ko normal po yung tatlo. Midwife nga lang po yung nagpaanak sa kanya noon sa probinsiya pa po yun.

At pumayag nalang po kami na ma-CS siya kasi alam naming yun po ang safe at para maligtas silang dalawa.

Then ni-refer po kami sa ibang hospital nilipat po kami, pagdating po namin doon biglang nagbago normal nanaman daw po siya then CS na naman daw po. So ayun po lumabas na yung baby 2.8lbs lang po maliit lang po siya which is kayang kaya po niya sanang ilabas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At yun na nga po dinala na po siya sa room namin mga bandang alas otso ng gabi. Okay po siya masaya siya pinakita ko pa nga po sa kanya yung picture ng baby niya tuwang tuwa po siya.

After ilang oras po nagpalit po kami ng diaper tinulungan ko yung nurse grabe yung pagdurugo niya nag-cr po ako saglit pag labas ko marami na pong nurse sa kama ng ate ko chinicheck nila yung Blood Pressure.

Nagsasalitan po sila hindi po nila ma-detect yung blood ng ate ko. Hanggang sa nagdesisyon sila na ibalik muna ulit sa operating room kasi grabe po yung bleeding niya .

Habang nasa operating room po yung ate ko, lumalabas pasok ko po yung doctor para i-update po kami sa mga nanyayare sa loob.

Sab po ng doctor bumaba yung BP ng ate ko. Dahil po sa pagdurugo niya, naubusan po siya ng dugo. Walang stock yung hospital na dugo kami papo yung naghagilap ng dugo which is responsibilidad po dapat yun ng hospital.

Naghagilap po kami ng dugo kung saan-saan pero huli na po ang lahat. Na-cardiac arrest po at nire-revive po siya naging okay po siya then maya-maya po bigla nalang bumabagsak yung BP niya.

Tapos need na naman po i-revive tapos yun nga po na comatose siya at nilipat po siya sa ICU at nilagyan po ng tubo, bale tubo nalang po yung nagdadala sa kanya kahit high dosage na po yung gamot ng ginamit sa kanya hindi padin po siya nagreresponse nakikita po namin na lumalaban po siya.

Yung mga dugo po na nakuha namin sinasalin sa kanya nilalabas lang din po niya wala pong nangyayari sobrang bilis po ng mga pangyayari hanggang sa namatay na po siya.

Bago po nawala yung ate ko gumawa po kami ng video niya yung sa Tiktok po na "My Heart Went Oops" yun po kasi yung gustong gusto ng ate kong gawin.

Pero dahil nga po sa nangyare tinupad ko padin po yung gusto niya. Dinugtungan ko padin yung video kahit wala na siya."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica