Carlos Yulo, proud kuya sa kanyang kapatid na si Eldrew Yulo
- Nagkita sa PSA Annual Awards Night ang magkapatid na Carlos at Karl Eldrew Yulo nitong Enero 27 sa Manila Hotel
- Binati ni Carlos ang nakababatang kapatid na tumanggap ng special citation para sa gymnastics
- Dumating si Carlos kasama ang kasintahan niyang si Chloe San Jose para tanggapin ang Athlete of the Year award
- Kinilala si Carlos para sa kanyang dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagkita sa ginanap na Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night nitong Lunes ng gabi, Enero 27, ang magkapatid na Carlos Yulo at Karl Eldrew Yulo sa Manila Hotel.
Binati ni Carlos, na mas kilala bilang "Caloy," ang kanyang nakababatang kapatid na si Karl Eldrew, na tumanggap ng isang special citation para sa kanyang kahanga-hangang pagganap sa larangan ng gymnastics. Kitang-kita ang saya ng magkapatid habang game na game silang nagpaunlak ng mga litrato sa media at mga fans.
Dumating si Carlos, ang double Olympic gold medalist, kasama ang kanyang kasintahan na si Chloe San Jose. Ang 24-anyos na gymnast ay gagawaran ng prestihiyosong Athlete of the Year Award bilang pagkilala sa kanyang tagumpay sa 2024 Paris Olympics, kung saan nasungkit niya ang dalawang gintong medalya sa kompetisyon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa panayam sa kanya, sinabi ni Carlos na proud siya sa achievement ng kapatid.
Ayon naman kay Eldrew, sobrang proud siya para sa kanyang kuya bilang Athlete of the Year.
“Gusto ko rin yang ganyang award Athlete of the Year and I’m so proud of him always. You know I cried so much nung Olympics (nang manalo siya) siyempre that’s my dream and also my dream. So parang na-achieve rin nya yung dream ko. Anyways, I’m so proud of him and proud of all athletes,” pahayag pa ni Eldrew
Samantala, ipinahayag ng PSA ang kanilang paghanga sa mga Yulo sa patuloy nilang pagdadala ng karangalan sa bansa. Ang tagumpay ng magkapatid sa kani-kanilang larangan ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataang atleta na magpursige at mangarap para sa bayan.
Si Carlos Edriel Poquiz Yulo o mas kilala bilang Caloy, ay isang kinikilalang atleta na nagsimulang sumabak sa gymnastics sa edad na pito at sumali sa pambansang koponan noong 2018.
Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.
Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh