Bagong look ni Yohan Agoncillo, agad na naging usapan online

Bagong look ni Yohan Agoncillo, agad na naging usapan online

  • Napansin ng mga netizen ang bagong hairstyle ni Yohan Agoncillo matapos magbahagi si Ryan Agoncillo ng mga larawan mula sa kanilang family trip, kung saan kapansin-pansin ang mas maiksi nang buhok ng kanilang panganay
  • Matapos ang dating buzz cut, ibang hairstyle naman ang ipinakita ni Yohan sa mga bagong larawan, bagay na agad napansin ng mga followers na nagkomento tungkol sa kaniyang pagbabago ng look
  • Si Yohan ang panganay nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo at matagal nang napapansin ng publiko ang kaniyang paglaki, kabilang ang kaniyang mga interes sa musika at iba pang aktibidad kasama ang pamilya
  • Bukod sa kaniyang bagong hairstyle, patuloy ding sinusubaybayan ng mga netizen ang mga update tungkol kay Yohan, na nitong mga nakaraang taon ay nakilala rin sa kaniyang singing performances at mga simpleng family moments

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Napansin ng mga netizen ang bagong hairstyle ni Yohan Agoncillo matapos magbahagi si Ryan Agoncillo ng mga larawan mula sa kanilang family trip.

Read also

Ivana Alawi, may bagong pa-giveaway na ikinatuwa ng kaniyang followers

Bagong look ni Yohan Agoncillo, agad na naging usapan online
Bagong look ni Yohan Agoncillo, agad na naging usapan online (📷@ryan_agoncillo/IG)
Source: Instagram

Sa mga larawan, kapansin-pansin na mas maiksi na ang buhok ni Yohan kumpara sa dati niyang buzz cut. Agad itong napansin ng ilang netizens na nagbigay ng reaksiyon sa kaniyang bagong look.

Ang pagbabago sa hairstyle ni Yohan ang isa sa mga detalyeng nakatawag-pansin sa mga larawang ibinahagi ni Ryan. Sa halip na dating maikli ang buhok, makikita ngayon na mas mamaiksi na ito at may ibang ayos.

Narito ang ilang komento:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Yohan is sooo cool 😎😍.
Yohan rocking that new hairdo 🙌❤️
Wow Yohan I love your hairtyle very sassy chik! ❤️

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naging paksa online ang anak nina Judy Ann Santos at Ryan dahil sa kaniyang itsura, mga talento at mga family moment.

Sa paglipas ng mga taon, nasaksihan ng publiko ang paglaki ni Yohan mula sa pagiging bata hanggang sa pagiging young adult. Bilang panganay sa tatlong magkakapatid, madalas siyang nakikita sa mga family post nina Judy Ann at Ryan.

Read also

Bea Borres, sinagot ang mga kritiko: “At least I’m not accepting online sug4l”

Sina Yohan, Lucho at Luna ang tatlong anak nina Judy Ann at Ryan. Matagal nang ibinabahagi ng mag-asawa ang ilang bahagi ng kanilang buhay-pamilya sa social media, kabilang ang mga bakasyon, pagkain, bonding at iba pang simpleng pagkakataon.

Sa kabila ng simpleng pagbabago sa hairstyle, muling naging paksa ng online discussion si Yohan matapos ang family trip. Para sa mga matagal nang sumusubaybay sa pamilya Agoncillo-Santos, isa itong panibagong glimpse sa paglaki ng kanilang panganay.

Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na naging mainit na usapin sa KAMI.com.ph ang simpleng pamumuhay at mga gawaing pampamilya nina Judy Ann at Ryan. Sa naunang ulat na Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, nag-viral matapos kumain sa sikat na karinderya, kinagiliwan ng maraming netizens ang pagiging humble ng mag-asawa nang tangkilikin nila ang isang simpleng kainan kasama ang kanilang mga kakilala.

Bukod dito, naging paksa rin sa KAMI.com.ph ang mga kwento sa loob ng tahanan ng pamilya Agoncillo kaugnay ng kanilang mga anak. Sa artikulong Judy Ann Santos, ibinunyag ang hiling ng anak na si Luna sa kaniyang pag-aaral, masayang ibinahagi ng aktres ang mga natatanging karanasan at ang kaniyang buong suporta sa mga simpleng pangarap at hiling ng kaniyang pamilya.

Read also

Mari Fowler, nag-anunsyo ng walang bagong Toro Family vlog ngayong Sabado

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate