Ivana Alawi at Fyang Smith, gustong makasama at isa't isa sa isang proyekto

Ivana Alawi at Fyang Smith, gustong makasama at isa't isa sa isang proyekto

- Naging panauhin ni Ivana Alawi si Fyang sa kanyang pinakabagong vlog

- Doon nasabi nilang nais nilang magkasama sa isang proyekto

- Nabanggit din nilang nais nilang maging kontrabida lalo na si Ivana na ayaw na umiiyak sa mga eksena

- Kasalukuyang house guest si Ivana sa programang Pinoy Big Brother na siyang pinagmulan ni Fyanag kung saan siya naging Big winner ng Gen 11 edition

Gusto umanonng magkasama nina Ivana Alawi at Fyang Smith sa iisang proyekto.

Ivana Alawi at Fyang, gustong makasama at isa't isa sa isang proyekto
Ivana Alawi and Fyang Smith
Source: Youtube

Isa ito sa kanilang napagkwentuhan nang maging guest ni Ivana si Fyang sa kanyang pinakabagong vlog na inilabas noong Marso 10.

Unang nasabi ni Ivana na gusto niyang makasama sa proyekto si Fyang na sinag-ayunan naman ni Fyang.

"Direeeeek!" ani Fyang na animo'y nagpaparamdam sa direktor para makasama si Ivana.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagkasundo rin sila sa dream role nila kung saan nais nilang maging kontrabida.

"What if magsapakan tayo?" ang makulit na naging komento ni Fyang.

Read also

KaladKaren, nagbahagi ng pictures kasama ang asawa: "Look who followed me in Los Angeles"

Paliwanag ni Ivana, ayaw niyang umiiyak kaya mas nais niyang maging kontrabida.

Si Fyang na mabilis namang umiyak ay nais pa ring maging kontrabida at pwede rin umano siya sa drama.

"Direk Lauren, nanawagan po kami," ang natatawang panawagan ni Fyang na pinaniniwalaang si Direk Lauren Dyogi.

Sa ngayon, si Ivana ang supresang house guest ng Pinoy Big Brother Big celebrity collaboration.

Matatandaang ang programa ang pinagmula ni Fyang kung saan siya tinanghal bilang big winner ng natapos na Pinoy Big Brother Gen 11 edition.

Narito ang kabuuan ng kanilang masayang Street Food Mukbang at kwentuhan mula sa Ivana alawi YouTube:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 18.6 million ang kanyang mga YouTube subscribers. Isa sa mga pinakahuling naging proyekto ni Ivana ay nang maging bahagi siya ng FPJ Batang Quiapo kung saan ginampanan niya ang karakter bilang si Bubbles.

Read also

Jellie Aw, nilabas ang screenshot ng mensahe mula kay Jam Ignacio

Samantala, hindi pa rin binitawan ni Ivana ang kanyang YouTube channel lalo na at marami ang naaaliw sa kanyang mga vlogs dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Matatandaang noong nakaraag Pasko, taong 2024, ilang mga street vendors ang napasaya ni Ivana dahil sa surpresang kanyang dala. Sa tuwing may papayag na vendor na bigyan na lamang ang kanyang kasabwat, na nagpanggap umano na walang pambayad, lalapit si Ivana para hawakan ang paninda at bibilhin na niya ito lahat.

Bago rin magtapos ang nagdaang taon, mga delivery riders naman ang kanyang napasaya gayundin ang mga construction workers na kanyang nakasalamuha. Doon, nakita ni Ivana na hindi basta ang trabaho ng mga construction workers na kanyang sinubukan. Nabigyan niya ang mga ito ng maagang pamasko na ayon sa kanila ay malaking tulong sa kanilang mga pamilya na siyang dahilan kung bakit sila nagsisipag sa kanilang mga hanapbuhay lalo na at karamihan sa kanila'y malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Proofreading by Marisse Gulferica, copy editor at KAMI.com.gh.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: