Ivana Alawi, unang house guest sa PBB celebrity collab edition

Ivana Alawi, unang house guest sa PBB celebrity collab edition

- Si Ivana Alawi ang unang house guest sa PBB celebrity collab edition

- Ang unang task niya ay papaniwalain ang mga housemates na isa rin siyang tunay na housemates

- Ipinakilala na rin ang first 15 housemates sa kauna-unahang collaboration ng Kapuso at Kapamilya stars sa bahay ni Kuya

-Ilan sa mga celebrity housemates ay sina Ashley Ortega, Klarisse De Guzman, AC Bonifacio, Esnyr at Mica Salamanca

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Marami ang nagulat nang makita si Ivana Alawi sa pagbubukas ng Pinoy Big Brother celebrity collab edition ngayong Marso 9.

Ivana Alawi, unang house guest sa PBB celebrity collab edition
Ivana Alawi, unang house guest sa PBB celebrity collab edition (Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Inakala rin ng marami na isa siya sa unang 15 na housemates na ipinakilala sa muling pagbubukas ng Big Brother house.

Subalit nang magpunta siya sa confession room, doon napag-alaman na siya ang unang celebrity house guest ni Kuya.

"Ikaw ang inaatasan kong maging very first houseguest this season, at ang iyong task ay papaniwalain ang iyong mga makakasama na ikaw ay isa ring celebrity housemate..." ang bahagi ng nasabi task ni kuya kay Ivana.

Read also

Andrea Brillantes, nilinaw ang tunay na status ng pakikipag-date kay Sam Fernandez

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kaugnay nito may moniker pa siyang "Ang phenomenal content queen ng Quezon City," upang mas mapapaniwala ang housemates na kasama nga nila si Ivana.

Samantala, ipinakilala na rin ang first 15 housemates ng kauna-unahang Celebrity collaboration ng mga Kapuso at Kapamilya housemates.

Ilan sa kanila ay sina Ashley Ortega, Klarisse De Guzman, AC Bonifacio, Esnyr at Mica Salamanca.

Narito ang ilan sa mga larawang kuha kay Ivana sa conferssion room ng PBB house na ibinahagi rin ng Cinema Bravo.

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 18.2 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Read also

Ilang housemates sa PBB Celebrity Collab Edition, opisyal nang pinakilala

Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 18.2 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Matatandaang noong nakaraag Pasko, taong 2024, ilang mga street vendors ang napasaya ni Ivana dahil sa surpresang kanyang dala. Sa tuwing may papayag na vendor na bigyan na lamang ang kanyang kasabwat, na nagpanggap umano na walang pambayad, lalapit si Ivana para hawakan ang paninda at bibilhin na niya ito lahat.

Bago rin magtapos ang taong 2024, mga delivery riders naman ang kanyang napasaya gayundin ang mga construction workers na kanyang nakasalamuha. Doon, nakita ni Ivana na hindi basta ang trabaho ng mga construction workers na kanyang sinubukan. Nabigyan niya ang mga ito ng maagang pamasko na ayon sa kanila ay malaking tulong sa kanilang mga pamilya na siyang dahilan kung bakit sila nagsisipag sa kanilang mga hanapbuhay lalo na at karamihan sa kanila'y malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Proofreading by Marisse Gulferica, copy editor at KAMI.com.gh.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica