Brilliant Skin CEO, naging bilyonaryo sa edad na 21

Brilliant Skin CEO, naging bilyonaryo sa edad na 21

- Ibinahagi ng Brilliant Skin CEO na si Glenda Dela Cruz na naging bilyonaryo siya sa edad na 21

- Tunay ngang maagang nakamit ni Glenda ang tagumpay na maaga rin umano niyang pinagsumikapan

- Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, mas marami pang rebelasyon ang naikwento ni Glenda

- Ilan sa mga ito ay ang kanyang naging mga trabaho na nasimulan sa edad lamang na 12

Nausisa ni Karen Davila ang Brilliant Skin CEO na si Glenda Dela Cruz kung kailan nga ba niya nakamit ang pagiging isang bilyonaryo.

Brilliant Skin CEO, inaming naging bilyonaryo sa edad na 21
Brilliant Skin CEO, inaming naging bilyonaryo sa edad na 21 (Glenda Dela Cruz)
Source: Facebook

"I think I was 21 years old," ani Miss Glenda na ngayon ay 27 taong gulang na.

Maging si Karen ay namangha nang malaman ito at agad niyang natanong si Glenda kung ano ang nabago matapos maging bilyonaryo.

"Lahat nagbago po talaga," giit ni Miss Glenda.

Read also

Brilliant Skin CEO, naikwentong minsan niyang naranasang 'magbakal-bote'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa ngayon, bukod sa Brilliant Skin beauty products, padami na nang padami ang mga negosyong inaasahang mapalalago rin ni Miss Glenda.

Ilan sa mga ito ay ang Brilliant cafe, Brilliant aesthetics and spa, Brilliant builders, Brilliant medical group, Brilliant hotel na matatagpuan naman sa Malaysia.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan na mula sa Karen Davila YouTube channel:

Si Glenda Dela Cruz ang CEO ng Brilliant Skin. Matatandaang umugong ang pagganap ni Miss Glenda sa Araneta Coliseum, ang kanyang 'Pinakamakinang concert' na dinaluhan din ng mga kilalang showbiz personalities.

Ilan sa mga ito ay sina Andrea Brillantes at Alden Richards. Gayundin ang YouTube content creator na si Zeinab Harake na isa sa mga endorsers ni Glenda sa matagumpay niyang negosyo.

Samantala, sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel, minsan nang nabanggit ni Miss Glenda ang naranasang kahirapan noon. Naikwento niyang sa edad na 12 natuto na siyang dumiskarte at nakahanap ng online job. Sa edad na 15, naging team leader na siya ng call center subalit nahinto nang mabuking ang kanyang edad.

Read also

Philmar Alipayo, ibinida ang husay sa pag-surf ng anak na si Koa

Hanggang sa nakakilala siya ng makakatulong sa kanya sa paggawa ng sabon na siyang naging daan upang makamit niya ang milyon at ngayo'y bilyon na mula sa kanyang mga negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica