Diwata sa mga vloggers: "Yung iba jan naghihintay lang ng mali na sasabihin ko"

Diwata sa mga vloggers: "Yung iba jan naghihintay lang ng mali na sasabihin ko"

- Nag-post si Diwata ng picture kung saan kasama niya ang ilan sa mga vloggers na pumupunta sa kanyang paresan

- Ito raw ang mga vloggers na naghihintay sa paglabas niya araw-araw ngunit ani Diwata may ilan sa mga ito na naghihintay lang ng mali na sasabihin niya

- Aniya, kapag kasi ang mga maling nasabi niya ang ibahagi ng mga ito sa social media ay nag-va-viral

- Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay maraming video ni Diwata ang viral dahil sa isyung pinupukol ng ilang netizens sa kanya

Nag-post kamakailan si Diwata ng isang litrato kung saan kasama niya ang ilan sa mga vloggers na regular na pumupunta sa kanyang paresan. Makikita sa larawan ang masayang pagsasama nila, ngunit ibinulgar ni Diwata na may ilan sa mga vloggers na tila naghihintay lamang ng mga mali niyang sasabihin.

Diwata sa mga vloggers: "Yung iba jan naghihintay lang ng mali na sasabihin ko"
Diwata sa mga vloggers: "Yung iba jan naghihintay lang ng mali na sasabihin ko"
Source: Facebook

Ayon kay Diwata, araw-araw na nag-aabang ang mga vloggers sa kanyang paglabas at pagbungad sa paresan, ngunit may ilan sa kanila na hindi tunay na tagasuporta. "Yung iba jan naghihintay lang ng mali na sasabihin ko," ani Diwata. Dagdag pa niya, mabilis mag-viral ang mga video kapag mali ang kanyang nasabi at ito ang ibinabahagi ng mga vloggers sa social media.

Read also

Brenda Mage, napa-back out sa show matapos masabihang di siya angkop sa mga kabataan

Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay maraming video ni Diwata ang nag-viral dahil sa mga isyung pinupukol ng ilang netizens sa kanya. Ayon sa mga tagasubaybay, may ilang vloggers na sadyang pinuputakte ang kanyang mga pagkakamali upang makakuha ng mas maraming views at likes.

Ito ang araw araw na mga vloger na nakabantay sakin pag labas ko yung iba jan naghihintay lng ng mali na sasabihin ko para viral

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng mga ito, nananatiling positibo si Diwata at patuloy na hinaharap ang araw-araw na hamon ng pagiging isang kilalang personalidad sa social media.

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Read also

Tito Mars, sinagot ang komentong binabastos niya ang pagkain ng mahihirap

Sinagot ni Diwata ang inihayag na opinyon ni Mystica patungkol sa kanya. Sinabi ni Mystica na yumabang na raw si Diwata at tumaas na ang ere matapos nitong sumikat. Para kay Diwata, hindi naman importante sa buhay niya si Mystica kaya hindi na daw dapat niya itong pansinin. Dagdag pa niya, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kanyang negosyo.

Minabuti ni Rosmar Tan na magsalita upang dipensahan si Diwata sa mga negatibong komento. Kabilang na dito ay ang komentong yumabang na raw ito matapos ilabas ng ilang vloggers ang video na tila hindi sila napagbigyan ni Diwata. Ani Rosmar, pinayuhan niya si Diwata na huwag na lang magpakita muna kung kailangan niyang magpahinga kesa makuhanan siya ng video. Aniya, maging siya ay nakakaranas ng hindi maganda mula sa mga nagpapa-picture pero natutunan daw niyang kontrolin ang kanyang emosyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel