Rosmar Tan, pinagtanggol si Diwata sa mga nagsasabing yumabang na daw ito

Rosmar Tan, pinagtanggol si Diwata sa mga nagsasabing yumabang na daw ito

- Minabuti ni Rosmar Tan na magsalita upang dipensahan si Diwata sa mga negatibong komento

- Kabilang na dito ay ang komentong yumabang na raw ito matapos ilabas ng ilang vloggers ang video na tila hindi sila napagbigyan ni Diwata

- Ani Rosmar, pinayuhan niya si Diwata na huwag na lang magpakita muna kung kailangan niyang magpahinga kesa makuhanan siya ng video

- Aniya, maging siya ay nakakaranas ng hindi maganda mula sa mga nagpapa-picture pero natutunan daw niyang kontrolin ang kanyang emosyon

Minabuti ni Rosmar Tan na magsalita upang ipagtanggol si Diwata laban sa mga negatibong komento na ipinupukol sa kanya. Ilang vloggers ang naglabas ng video na nagsasabing tila yumabang na si Diwata matapos silang hindi napagbigyan nito.

Rosmar Tan, pinagtanggol si Diwata sa mga nagsasabing yumabang na daw ito
Rosmar Tan, pinagtanggol si Diwata sa mga nagsasabing yumabang na daw ito
Source: TikTok

Ayon kay Rosmar, pinayuhan niya si Diwata na huwag muna magpakita kung kailangan niyang magpahinga, kaysa makuhanan siya ng video na maaaring magbigay ng maling impresyon.

Read also

Diwata, sinagot ang komento ni Mystica: "Ang importante sa akin, business ko"

Sinabi ni Rosmar na naiintindihan niya ang sitwasyon ni Diwata, dahil maging siya ay nakakaranas din ng hindi maganda mula sa mga nagpapa-picture. Ibinahagi niya na natutunan niyang kontrolin ang kanyang emosyon sa ganitong mga pagkakataon.

Dagdag pa ni Rosmar, hindi dapat agad husgahan si Diwata dahil sa isang insidente lamang. Ipinaalala niya na tulad ng lahat, si Diwata rin ay tao na may karapatang magpahinga at maglaan ng oras para sa sarili.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pangbu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pangbu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Read also

Jessa Zaragoza, inunahan na ang bashers: "Yes po, pak na pak po ang contour ko jan"

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel