Jessa Zaragoza, inunahan na ang bashers: "Yes po, pak na pak po ang contour ko jan"

Jessa Zaragoza, inunahan na ang bashers: "Yes po, pak na pak po ang contour ko jan"

- Ibinahagi ni Jessa Zaragoza ang isang video na nagpapakita ng kanyang mga ginagawa bilang isang ina

- Inunahan niya na ang mga bashers at sinabi ang mga maaring maging puna ng mga ito sa kanyang video

- Aniya, totoong naka-makeup siya at may tatak ang suot niyang duster pero aniya ay huwag nang magalit ang mga ito at gayahin na lamang nila

- Binigyang-diin niya rin ang pagbati sa mga kagaya niyang deretso na sa paggawa ng gawaing bahay pagkagaling sa trabaho

Sa isang video na ibinahagi ni Jessa Zaragoza sa kanyang social media, ipinakita niya ang mga gawain bilang isang ina. Sa kanyang post, inunahan na niya ang mga posibleng puna ng mga bashers sa kanyang hitsura at mga ginagawa.

Jessa Zaragoza, inunahan na ang bashers: "Yes po,pak na pak po ang contour ko jan"
Jessa Zaragoza, inunahan na ang bashers: "Yes po,pak na pak po ang contour ko jan"
Source: Facebook

Ayon sa kanya, totoo na naka-makeup siya at may tatak ang suot niyang damit, ngunit hindi dapat maging batayan ito ng panghuhusga. Pinakiusapan din niya ang mga bashers na huwag nang magalit at gayahin na lang ang kanyang ginagawa.

Read also

Sarina Hilario, todo pose sa picture niya para sa Visa: "Akala niya ata photoshoot"

Dagdag pa ni Jessa, kanyang pinuri ang mga katulad niyang direktang gumagawa sa gawaing bahay pagkatapos ng kanilang trabaho.

“Ohh uunahan ko na yung iba jan ha! Yes po, pak na pak po ang contour ko jan. Pati ang aking cleavage. At naka futah red lipistik ako. May tatak din ang duster ko. Wag na kayo maimbyerna uli ha! Gawin nyo na lang din kya. Kaya nyo yan! Happy Mudra’s day!!!“

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Richelle Ann Mallari Loyola-Avanzado o mas kilala sa kanyang screen name na Jessa Zaragoza ay isang commercial model, singer at actress. Nakilala din siya sa bansag na "Phenomenal Diva." Ilan sa kanyang mga pinasikat na awitin ay Sa Aking Puso, Di Ba't Ikaw, Bakit Pa? at marami pang iba. Ikinasal siya sa kapwa mang-aawit na si Dingdong Avanzado noong March 18, 2001.

Read also

Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang puntod ni Jho Rovero nitong Mother's Day

Sa unang ulat ng KAMI, maituturing ng pamilya ni Jessa na isa sa pinaka-shocking na karanasan ang nangyari kay Dingdong Avanzado. Umuwi umano ito mula sa kanyang paglalaro ng golf na nahihilo matapos siyang kuyugin ng mga bubuyog. Dahil sa kanyang pag-aalala ay sinabihan ni Jessa ang mister na magpasugod na sa ospital ngunit umayaw umano ito. Gayunpaman, napilitan siyang magpa-ospital matapos siyang pagsabihan ng anak at kinalaunan ay naging maayos na umano ang kalagayan nito.

Samantala, sa isang TikTok video ay pinasilip ni Jayda Avanzado ang behind-the-scenes ng pictorial nila. Kasama niya ang kanyang kapwa mga Star Magic stars na sina Francine Diaz, Andrea Brillantes, Belle Mariano, Charlie Dizon at Alexa Ilacad. Umani ng maraming komento at reaksiyon ang naturang video dahil dito makikita ang muling pagsasama nina Francine at Andrea. Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan ng dalawa kaya marami ang naintriga sa naturang video.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel