Sarina Hilario, todo pose sa picture niya para sa Visa: "Akala niya ata photoshoot"

Sarina Hilario, todo pose sa picture niya para sa Visa: "Akala niya ata photoshoot"

- Marami ang naaliw kay Sarina Hilario sa video kung saan makikita siyang kinukuhanan ng litrato para sa kanyang Visa

- Tila hindi pa nito naiintindihan kung paano ang dapat niyang gawin kaya todo-postura siya na para bang nasa photoshoot

- Ilang beses siyang sinabihan ng kanyang mommy na hindi kailangang mag-pose ngunit tila hindi nito mapigilan ang sarili

- Naging maganda naman ang kinalabasan ng kanyang picture para sa kanyang Visa

Marami ang naaliw kay Sarina Hilario sa isang viral video kung saan makikitang kinukuhanan siya ng litrato para sa kanyang Visa. Tila hindi niya pa nauunawaan kung paano ang tamang pagkuha ng litrato para sa isang Visa kaya't todo-postura siya na para bang nasa isang photoshoot.

Sarina Hilario, todo pose sa picture niya para sa Visa: "Akala niya ata photoshoot"
Sarina Hilario, todo pose sa picture niya para sa Visa: "Akala niya ata photoshoot"
Source: Facebook

Sa video, kapansin-pansin ang pagiging masiyahin at energetic ni Sarina habang nasa harap ng kamera.

Habang kinukunan ng litrato, ilang beses siyang sinabihan ng kanyang mommy na hindi kailangang mag-pose at simpleng mukha lang ang kailangan.

Read also

Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang pagiging flower girl

Gayunpaman, tila hindi mapigilan ni Sarina ang kanyang pagiging natural na photogenic at paulit-ulit na nagpapalit ng poses. Kitang-kita sa video ang pagtawa at pagbibigay ng mga simpleng instruksyon ng kanyang mommy, na aliw na aliw din sa ginagawa ng anak.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang nakakatuwang eksena ay agad na umani ng maraming views at reactions sa social media. Maraming netizens ang nagkomento na natuwa sila sa innocence ni Sarina. Ang ilan pa nga ay nagsabi na "future supermodel" ang bata dahil sa kanyang confidence at natural na charm sa harap ng kamera.

Sa kabila ng kanyang mga poses, naging maganda at maayos naman ang kinalabasan ng kanyang picture para sa kanyang Visa.

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Read also

Sarina Hilario, nagulat nang makita ang sarili sa LED screen ng isang kilalang dress shop

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel