Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang pagiging flower girl

Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang pagiging flower girl

- Kinaaliwang muli si Sarina Hilario sa isang video na naibahagi sa social media

- Makikita sa video clip ang cute na cute na si Sarina na nakasuot ng gown at giliw na giliw habang tinutupad ang kanyang tungkulin bilang flower girl

- Makikita sa video ang kasiyahan ni Sarina habang nasa gitna ng aisle at hawak ang kanyang basket

- Sa isang bahagi ng video at kinuha pa nito ang isang bulaklak sa kanyang basket para ibigay sa isang bata

Muling kinaaliwan ng netizens si Sarina Hilario matapos naibahagi ang isang video ng kanyang pagiging flower girl sa isang kasal. Ang video, na mabilis na nag-viral sa social media, ay nagpapakita ng batang si Sarina na buong giliw at sigla habang tinutupad ang kanyang tungkulin bilang flower girl.

Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang pagiging flower girl
Sarina Hilario, kinagiliwan sa kanyang pagiging flower girl
Source: Facebook

Makikita sa video ang kasiyahan ni Sarina habang nasa gitna ng aisle, bitbit ang kanyang basket ng mga bulaklak. Ang kanyang natural na charm at kakulitan ay umani ng samu’t saring papuri mula sa mga netizens. Ayon sa mga komento, nagdala ng kasiyahan at “good vibes” si Sarina sa lahat ng nakapanood ng video.

Read also

Sarina Hilario, todo pose sa picture niya para sa Visa: "Akala niya ata photoshoot"

"Ang cute-cute niya! Talagang nakaka-good vibes," ani ng isang netizen. "Siya na talaga ang flower girl of the year!" dagdag pa ng isa.

Maraming beses na naging viral si Sarina sa social media. Noong nakaraang taon, nakuhanan din siya ng video habang kumakanta sa isang family gathering, kung saan marami rin ang humanga sa kanyang talento at kakyutan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng kanyang batang edad, tila natural na kay Sarina ang pagiging center of attention sa mga ganitong okasyon. Maraming netizens ang umaasa na patuloy siyang makakapagbigay ng saya at inspirasyon sa kanyang pagiging masayahin.

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Read also

Sarina Hilario, nagulat nang makita ang sarili sa LED screen ng isang kilalang dress shop

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel