Jhong Hilario, pinakita ang nakakaaliw na pagkanta ni Baby Sari

Jhong Hilario, pinakita ang nakakaaliw na pagkanta ni Baby Sari

- Ibinida ni Jhong Hilario ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram account

- Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta

- Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak

- Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan sina Jhong Hilario at ang anak niyang si Sarina nang ibahagi ng TV host ang cute na cute na video nilang mag-ama. Makikita sa video na nakaupo sila sa tapat ng isang piano habang nagpipindot sa piano at kumakanta si Sari.

Read also

Cristy sa bagong tema ng vlog ni Alex: "Halatang-halata naman itong damage control na ito"

Jhong Hilario, pinakita ang nakakaaliw na pagkanta ni Baby Sari
Jhong Hilario, pinakita ang nakakaaliw na pagkanta ni Baby Sari (@jhonghilario)
Source: Instagram

Hindi maitago sa mukha ni Jhong ang saya sa pinapakitang kabibohan at talento ng anak na kumakanta ng "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup.

Sa kanyang mga post kung saan kasama niya si Sarina ay kadalasan niyang ginagamit ang hashtag na #SamplePrincess na hango sa bansag sa kanya bilang Sample King sa It's Showtime.

Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang cute and talented na bata at a young age.
Yeheyyyy ang galing ni baby Sari mapa sa sayawan mn o awitan.Ang talas ng isipan nya mabilis matuto.Sa daming anak ng mga artista.Sa kay baby Sarina talaga ako aliw na aliw.
Lagi aqng napapangiti ng batang ito, hoping ganyan din maging kabibo ang magiging anak ko

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime. Bago siya tuluyang nagpahinga sa showbiz, naging kabilang siya ng programang Your Face Sounds Familiar.

Read also

Dingdong Dantes at Marian Rivera, kinakiligan sa kanilang picture na magkasama

Si Jhong ay nagbalik sa It's Showtime at hindi inasahan ng mga hosts ang sorpresang bumulaga sa kanila. Sa "Tawag ng Tanghalan" segment ng show kung saan nagharap ang tatlong kalahok sa "Battle of Versions", isa pala sa mga ito ay si Jhong. Kitang-kita sa mga mukha nila ang pagkabigla nang unti-unting magtanggal ng kanyang disguise si Jhong. Hindi naman napigilang maiyak ng mga ito sa sobrang tuwa na nagbalik na si Jhong kasunod ng pagbalik ni Anne Curtis.

Samantala, pinagpasalamat ni Ogie Alcasid na safe umano ang kanyang misis na si Regine Velasquez. Kasunod ito ng kanyang pagkakatumba matapos siyang mawalan ng balanse sa birthday party ng tatay ni Konsehal Jhong. Sa tweet ni Ogie ay bumuhos ang mensahe mula sa mga tagahanga ng mag-asawa kung saan inihayag nila ang pasasalamat na safe si Regine. Sa kanyang Instagram post ay naibahagi din ni Regine ang video ng kanyang pagkakatumba ngunit hindi malinaw kung ito ba ang tinutukoy ni Ogie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel