Jhong Hilario, sinorpresa ang kanyang Showtime family; mga co-hosts naging emosyonal

Jhong Hilario, sinorpresa ang kanyang Showtime family; mga co-hosts naging emosyonal

- Si Jhong Hilario ay nagbalik na rin sa It's Showtime at hindi inasahan ng mga hosts ang sorpresang bumulaga sa kanila ngayong araw ng Sabado

- Sa "Tawag ng Tanghalan" segment ng show kung saan nagharap ang tatlong kalahok sa "Battle of Versions", isa pala sa mga ito ay si Jhong

- Kitang-kita sa mga mukha nila ang pagkabigla nang unti-unting magtanggal ng kanyang disguise si Jhong

- Hindi naman napigilang maiyak ng mga ito sa sobrang tuwa na nagbalik na si Jhong kasunod ng pagbalik ni Anne Curtis noong nakaraang Sabado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang pagbabalik ni Jhong Hilario sa It's Showtime ngayong Sabado ay ikinabigla ng mga It's Showtime hosts lalo nang mapagtantong si Jhong pala ang isa sa mga kalahok ng "Tawag ng Tanghalan." Hindi naman napigilang maiyak ng mga ito sa sobrang tuwa na nagbalik na si Jhong kasunod ng pagbalik ni Anne Curtis noong nakaraang Sabado.

Read also

Tom Rodriguez, nag-post ng larawan ng dalawang kamay na tila nakawala sa gapos

Jhong Hilario, sinorpresa ang kanyang Showtime family; mga co-hosts naging emosyonal
It's Showtime hosts (@teddspotting)
Source: Instagram

Matapos niyang magawa ang kanyang dapat tapusin bilang isa sa mga nanalong konsehal sa Makati, muling bumalik sa It's Showtime si Jhong. Gayunpaman, nilinaw niyang kagaya kay Anne, hindi pa siya makaka-todo dahil bilang isang ama ay kailangan niyang bigyan ng oras ang kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kabilang si Vice Ganda sa sobrang naiyak sa kanang pagbabalik. Sa katunayan, napatanggal pa ito ng false eyelashes dahil sa kanyang pag-iyak. Maging si Jhong ay aminadong na-miss niyang bumalik sa pagho-host.

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime. Bago siya tuluyang nagpahinga sa showbiz, naging kabilang siya ng programang Your Face Sounds Familiar.

Matatandaang napagpasyahan niyang tumigil muna sa showbiz dahil iniisip niya ang kaligtasan ng kanyang pamilya. Sa kabila ng kanyang pagtigil sa paglabas sa kanyang mga TV shows, nakakapaghatid parin ng aliw ang TV host lalo pag ibinabahagi niya ang mga pictures ng kanyang anak. Hindi naman maitago ng dating kasamahan niya ang pagkakamiss sa kanya lalo na si Ryan Bang.

Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Jhong at masayang masaya siya sa kaarawan niya dahil sa kanyang anak na si baby Sarina. Nagkaroon naman ng reunion ang Streetboys tulungan si Jhong sa pangangampanya nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel