Dingdong Dantes at Marian Rivera, kinakiligan sa kanilang picture na magkasama

Dingdong Dantes at Marian Rivera, kinakiligan sa kanilang picture na magkasama

- Kinakiligan sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ng kanilang fans matapos i-post sa Facebook page ng aktres ang kanilang picture na mag-asawa

- Makikita sa post na ito na nakatayo si Marian sa likod ni Dingdong na nakaupo naman

- Sa naturang collage ay makikitang yumayakap pa ang aktres sa kanyang mister na naging usap-usapan din kamakailan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ito ay matapos mag-post ang social media personality na si Lai Austria ng picture nilang magkasama nang mag-guest ito sa Family Feud

Sweet na sweet sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa picture sa Facebook page ng aktres nitong Huwebes. Sa naturang collage ay makikitang yumayakap pa ang aktres sa kanyang mister na naging usap-usapan din kamakailan dahil sa post ni Lai Austria.

Dingdong Dantes at Marian Rivera, kinakiligan sa kanilang picture na magkasama
Dingdong Dantes at Marian Rivera, kinakiligan sa kanilang picture na magkasama (@marianrivera)
Source: Instagram

Makikita sa naturang post ang collage ng picture ng mag-asa kung saan nakatayo si Marian sa likod ni Dingdong na nakaupo naman. Makikitang yumayakap pa ang aktres sa kanyang mister.

Read also

Lai Austria, muling naging usap-usapan sa kanyang post kung saan kumakain siya ng DingDong nuts

Narito naman ang komento ng mga fans ng mag-asawa:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

You both look great! sweet couple stay strong together
Sweet and lovely couple ! Stay strong together.
Oozing with love and sweetness!

Si Marian Rivera ay ang isa sa mga pinaka sikat na artista sa Kapuso network. Naging bida siya sa Kapuso shows na “Darna” at “Marimar." Kinasal siya sa aktor na si Dingdong Dantes noong December 30, 2014. Ipinanganak ang panganay na anak na si Zia noong November 23, 2015 at April 16, 2019 niya pinanganak ang pangalawang anak na si Ziggy.

Kamakailan ay nag-post si Buboy Villar ng picture nila ni Marian nang magkasama sila sa isang event ng skin care company. Marami sa mga netizens ang nagkomento na naalala nila ang kanilang pagsasama noon sa seryeng Darna. Matatandaang naibahagi ni Buboy na mula sa pagiging mag-ate ay magkumare na umano sila ni Marian. Matatandaang una silang nagkasama sa teleseryeng “Dyesebel" na aniya ay naging simula ng kanyang career bilang si Buboy.

Read also

Sharon Cuneta, gustong mahanap ang ale na nakuhanan ng picture kasama ang mga aso niya

Naiyak naman si Zeinab Harake nang makita at makasama ang idolo niyang si Marian. Mismong si Marian pa ang nagpalapit sa kanya kay Zeinab na maluha-luha namang lumapit sa kanya. Ani Zeinab, si Marian talaga ang idolo niya at maging ang ilang gawi nito ay talagang ginagaya niya. Bago pa man ilabas ni Zeinab ang kanilang video, una nang nag-viral ang larawan ni Zeinab kasama sina Marian at mister nitong si Dingdong Dantes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel