Regine Velasquez, naaksidente matapos mawalan ng balanse sa isang birthday party

Regine Velasquez, naaksidente matapos mawalan ng balanse sa isang birthday party

- Pinagpasalamat ni Ogie Alcasid na safe umano ang kanyang misis na si Regine Velasquez

- Kasunod ito ng kanyang pagkakatumba matapos siyang mawalan ng balanse sa birthday party ng tatay ni Konsehal Jhong Hilario

- Sa tweet ni Ogie ay bumuhos ang mensahe mula sa mga tagahanga ng mag-asawa kung saan inihayag nila ang pasasalamat na safe si Regine

- Sa kanyang Instagram post ay naibahagi din ni Regine ang video ng kanyang pagkakatumba ngunit hindi pa malinaw kung ito ba ang tinutukoy ni Ogie

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinagpasalamat ni Ogie Alcasid na ligtas ang kanyang maybahay na si Regine Velasquez kasunod ng nangyari sa kanya. Natumba umano ito matapos siyang mawalan ng balanse sa birthday party ng tatay ni Konsehal Jhong Hilario.

Regine Velasquez, nilabas ang video ng kanyang pagkatumba
Regine Velasquez, naaksidente matapos mawalan ng balanse sa isang birthday party (@reginevalcasid)
Source: Instagram

Sa tweet ni Ogie ay bumuhos ang mensahe mula sa mga tagahanga ng mag-asawa kung saan inihayag nila ang pasasalamat na safe si Regine.

Read also

Regine Velasquez, inalmahan ang mga taong gustong masira ang relasyon nila ng asawa

Hayy mabuti naman po kase nagulat at natakot po kami kagabi yung tipong gusto ko ring saluhin si ate pero yung ending yung phnoe ko pa ang muntikan ng mahulog nasa bubungan pa naman ako kagabi bat anyway thank you lord at sayo kuya sa pag-alalay sa reyna namin
I hope she's getting very well. Ingat na lang po next time.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Thank you for the update kuya, ingat po kayo and pahinga both. Thank you, Lord.

Sa kanyang Instagram post ay naibahagi din ni Regine ang video ng kanyang pagkakatumba ngunit hindi pa malinaw kung ito ba ang tinutukoy ni Ogie.

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Read also

Andrea Brillantes, sinabing edited ang post kung saan ni-like daw ni Ricci ang IG story ng isang babae

Kamakailan, kinaaliwan din ang biro ni Regine na kunwari ay nakikiusyuso kay Francine Diaz. Ito ay noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Naging bahagi na din si Regine ng talk show na Magandang Buhay. Kinaaliwan ang kanyang post kung saan nawindang siya nang mapansing naka-tsinelas lamang siya nang pumunta siya sa taping.

Matapos mag-viral ang pagbabalik-tanaw ni Regine kaugnay sa nangyari bago sila nagkatuluyan ni Ogie Alcasid, naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y kanyang nasaksihan. Hindi lang umano isang beses nasangkot si Regine sa isyu ng pagiging 3rd party sa isang relasyon. Muling binalikan ni Nanay Cristy ang pagkasangkot niya sa relasyong Gelli de Bellen at Arel Rivera. Nasangkot din umano si Regine sa relasyong Bing Loyzaga at Janno Gibbs kahit kasal na ang mag-asawa noong mga panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel