Jhong Hilario, ibinida ang pagkanta ni Sari ng "Moon River"

Jhong Hilario, ibinida ang pagkanta ni Sari ng "Moon River"

- Kinaaliwan ang post ni Jhong Hilario na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina

- Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod

- Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito

- Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Jhong Hilario ng panibagong video ng anak niyang si Sarina na kumakanta. Kung sa mga unang video ay nursery rhymes ang kinakanta niya, "Moon River" naman ang kinakanta ni Sari sa bagong video.

Jhong Hilario, ibinida ang pagkanta ni Sari ng "Moon River
Jhong Hilario, ibinida ang pagkanta ni Sari ng "Moon River" (@jhonghilario)
Source: Instagram

Makikitang magkasama ang mag-ama at sinabihan ni Jhong ang anak na kumanta ng Moon River. Agad naman itong tumalima at tila alam na alam pa ang lyrics ng kanta na nilikha noong 1961.

Read also

Vice Ganda, pabirong binanggit si Anne Curtis habang namamasyal siya sa Canada

Marami ang naaliw sa pagiging bibo ng anak ni Jhong na palaging binabahagi ng TV host.

Buti pa si Sarina alam kantahin ang Moon River, ako di ko alam

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

She's smart. At her age she can sing and it's not even out of tune. Shame on me.
Galing naman ni Sarina! Galing mag coach ni daddy jhong!

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime. Bago siya tuluyang nagpahinga sa showbiz, naging kabilang siya ng programang Your Face Sounds Familiar.

Si Jhong ay nagbalik sa It's Showtime at hindi inasahan ng mga hosts ang sorpresang bumulaga sa kanila. Sa "Tawag ng Tanghalan" segment ng show kung saan nagharap ang tatlong kalahok sa "Battle of Versions", isa pala sa mga ito ay si Jhong. Kitang-kita sa mga mukha nila ang pagkabigla nang unti-unting magtanggal ng kanyang disguise si Jhong. Hindi naman napigilang maiyak ng mga ito sa sobrang tuwa na nagbalik na si Jhong kasunod ng pagbalik ni Anne Curtis.

Read also

Kristel Fulgar, ginawaran ng Global Creator of the Year award sa Korea

Samantala, pinagpasalamat ni Ogie Alcasid na safe umano ang kanyang misis na si Regine Velasquez. Kasunod ito ng kanyang pagkakatumba matapos siyang mawalan ng balanse sa birthday party ng tatay ni Konsehal Jhong. Sa tweet ni Ogie ay bumuhos ang mensahe mula sa mga tagahanga ng mag-asawa kung saan inihayag nila ang pasasalamat na safe si Regine. Sa kanyang Instagram post ay naibahagi din ni Regine ang video ng kanyang pagkakatumba ngunit hindi malinaw kung ito ba ang tinutukoy ni Ogie

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel