Vice Ganda, pabirong binanggit si Anne Curtis habang namamasyal siya sa Canada

Vice Ganda, pabirong binanggit si Anne Curtis habang namamasyal siya sa Canada

- Nagbahagi si Vice Ganda ng bagong vlog na kuha sa Vancouver, Canada kasama ang ilang mga Pinoy na doon nakatira

- Pumunta sila sa Capilano Suspension Bridge Park, isang nature attraction sa North Vancouver, British Columbia, Canada

- Kabilang sa mga naroon ay ang mga Totem pole na sinubukan niyang gayahin para sa picture

- Isang totem naman ang nakita niya na may malaking bibig at agad niyang biniro ang kaibigang si Anne Curtis

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan si Vice Ganda sa kanyang bagong vlog na kuha sa Vancouver, Canada. Pumunta sila sa Capilano Suspension Bridge Park, isang nature attraction sa North Vancouver, British Columbia, Canada.

Vice Ganda, biniro si Anne Curtis habang namamasyal sa Canada
Vice Ganda, biniro si Anne Curtis habang namamasyal sa Canada (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Pagpasok nila sa naturang park ay may mga totem pole na sinubukan niyang gayahin para sa kanyang picture. Isang totem naman ang nakita niya na may malaking bibig at agad niyang biniro ang kaibigang si Anne Curtis.

Read also

Fashion blogger na si Bryan Boy, deadma na sa rice; ibinida ang "Fendi pasta"

Biro ni Vice, sinundan pa rin siya ni Anne maging sa kanyang pagpunta sa Canada.

Maging si Jhong Hilario ay nabanggit din niya nang mabasa niya ang "Treetop adventure."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Lars Pacheco, muntik nang ma-dethrone dahil sa umano'y paninira sa kanya

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel