Lars Pacheco, muntik nang ma-dethrone dahil sa umano'y paninira sa kanya

Lars Pacheco, muntik nang ma-dethrone dahil sa umano'y paninira sa kanya

- Naglabas ng video si Lars Pacheco para sagutin ang lahat ng isyung pinupukol sa kanya matapos siyang manalo sa Miss International Queen Philippines 2023

- Kabilang dito ang isyu tungkol sa umano'y binili niya ang koronang kanyang panalunan

- Naging emsoyonal si lars nang sabihin na muntik na siyang ma-dethrone dahil sa umano'y paninira sa kanya

- Nakatakdang lumaban si Lars sa Thailand para sa Miss International Queen 2023

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagsalita na si Lars Pacheco kaugnay sa mga isyung pinupukol sa kanya matapos niyang masungkit ang korona sa Miss International Queen Philippines 2023. Sa kanyang vlog ay isa-isa niyang sinagot ang mga haka-haka kabilang na ang umano'y pagbili niya ng korona.

Lars pacheco, muntik nang ma-dethrone dahil sa umano'y paninira sa kanya
Lars pacheco, muntik nang ma-dethrone dahil sa umano'y paninira sa kanya (@pachecolars)
Source: Instagram

Ani Lars, dahil sa mga screenshot na kumalat patungkol sa mga personal na pag-uusap ng mga kasama sa isyu ay naging magulo ang lahat. Maging ang pagkakaibigan nila ni Juliana Segovia ay naapektuhan ngunit nagkausap umano sila at tinuturing niya itong kaibigan niya.

Read also

Fashion blogger na si Bryan Boy, deadma na sa rice; ibinida ang "Fendi pasta"

Umabot pa umano sa puntong muntik na siyang ma-dethrone matapos ipaabot ang screenshot ng kanyang nasabi noong natalo siya sa naturang pageant noong nakaraang taon. Aniya, isa sa pinakamalalang nangyari sa kanya ay nang pinaabot sa National Director ng MIQ Philippines na si Michelle Montecarlo ang kanyang nasabi noon.

Gayunpaman, nabigyan siya ng isa pang pagkakataon matapos niyang humingi ng tawad.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakilala si Lars Pacheco nang sumali siya sa Ms. Q & A. kung saan tinanghal na grand winner si Juliana Parizcova Segovia. Tinanghal naman si Lars na 2nd runner-up sa Miss Q & A 2018.

Matatandaang humingi ng dispensa si Lars matapos ang kanyang kontrobersiyal na wardrobe malfunction sa live telecast ng It's Showtime noong October 25, 2019. Nagsalita si Lars tungkol sa nangyaring wardrobe malfunction sa kanya sa Live telecast ng noontime show matapos mag-trending sa social media ang 'di sinasadyang paglabas ng kanyang dibdib habang kinakanta ang opening song. Nauna nang humingi ng paumanhin si Vice Ganda sa buong pangyayari at nagpaliwanag na hindi nila ginusto ang buong insidente.

Binahagi ni Lars ang kanyang pagsasailalim sa gender reassignment surgery sa Thailand. Sa kanyang social media posts, binahagi niya ang video mula sa kanyang check up hanggang sa kanyang paghahanda sa surgery. Sumailalim siya sa gender reassignment surgery sa Kamol Cosmetic Hospital na matatagpuan sa Bangkok, Thailand.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel