Lars Pacheco, sumailalim sa gender reassignment surgery

Lars Pacheco, sumailalim sa gender reassignment surgery

- Binahagi ni Lars Pacheco ang kanyang pagsasailalim sa gender reassignment surgery sa Thailand

- Sa kanyang social media posts, binahagi niya ang video mula sa kanyang check up hanggang sa kanyang paghahanda sa surgery

- Sumailalim siya sa gender reassignment surgery sa Kamol Cosmetic Hospital na mamatagpuan sa Bangkok, Thailand

- Nakilala si Lars nang sumali siya sa Ms. Q & A. kung saan tinanghal siyang 2nd runner-up sa Miss Q & A 2018

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Lars Pacheco ang kanyang pagpunta sa Thailand kung saan siya sumailalim sa gender reassignment surgery. Makikita sa kanyang binahaging video sa Facebook ang kanyang check up hanggang sa kanyang paghahanda sa surgery.

Lars Pacheco, sumailalim sa gender reassignment surgery
Lars Pacheco, sumailalim sa gender reassignment surgery (@pachecolars)
Source: Instagram

Mayroon din siyang video kung saan tapos na ang kanyang operasyon. Para umano sa kanya, dream come true ang pagpapaopera niya. Sumailalim siya sa gender reassignment surgery sa Kamol Cosmetic Hospital na mamatagpuan sa Bangkok, Thailand.

Read also

Vanessa Raval, inaming scripted lang ang kanyang kontrobersiyal na post

Pinasalamatan ni Lars ang mga nurse na nag-alaga sa kanya. Aniya ayaw niya muna sanang ipaalam hangga't hindi pa tapos ngunit maram,i kaagad ang nakaalam at nagpadala ng mensahe sa kanya matapos ang kanyang operasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ngayong araw ay binahagi niya ang live video ng Kamol Cosmetic Hospital kung saan makikitang mas maayos na ang kalagayan niya sa kanyang ikaapat na araw matapos ang operasyon.

Nakilala si Lars Pacheco nang sumali siya sa Ms. Q & A. kung saan tinanghal na grand winner si Juliana Parizcova Segovia. Tinanghal naman si Lars na 2nd runner-up sa Miss Q & A 2018.

Matatandaang humingi ng dispensa si Lars matapos ang kanyang kontrobersiyal na wardrobe malfunction sa live telecast ng It's Showtime noong October 25, 2019. Nagsalita si Lars tungkol sa nangyaring wardrobe malfunction sa kanya sa Live telecast ng noontime show matapos mag-trending sa social media ang 'di sinasadyang paglabas ng kanyang dibdib habang kinakanta ang opening song. Nanuna nang humingi ng paumanhin si Vice Ganda sa buong pangyayari at nagpaliwanag na hindi nila ginusto ang buong pangyayari.

Read also

Herlene Budol, pasok sa Top 12 ng Binibining Pilipinas 2022

Sa pagbabalik ng Miss Q&A sa It's Showtime, isa si Lars sa mga bumalik sa show para sa prouction number. Ang bagong edition ng Miss Q&A ay pinamagatang "Miss Q & A: Kween of Multibeks." Sa kanilang opening ay nakasama niya ang ilan sa mga bahagi ng naunang mga edition ng Miss Q&A.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel