Vice Ganda, binanggit ang pangalan ni Juliana Parizcova Segovia sa 'It's Showtime'

Vice Ganda, binanggit ang pangalan ni Juliana Parizcova Segovia sa 'It's Showtime'

- Binanggit ni Vice Ganda ang pangalan ni Juliana Parizcova Segovia sa muling pagbabalik ng Miss Q&A ngayong araw

- Sa kanilang opening ay nakasama niya ang ilan sa mga bahagi ng naunang mga edition ng Miss Q&A at nakausap niya ang mga ito

- Napag-usapan nila ang mga dating mga naging bahagi ng naturang patimpalak at ang kasalukuyang kalagayan ng mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ang bagong edition ng Miss Q&A ay pinamagatang "Miss Q & A: Kween of Multibeks"

Nabanggit ni Vice Ganda ang pangalan ni Juliana Parizcova Segovia sa muling pagbabalik ng Miss Q&A ngayong araw. Sa kanilang opening ay nakasama niya ang ilan sa mga bahagi ng naunang mga edition ng Miss Q&A at dito niya nabanggit ang iba pang mga naging bahagi ng patimpalk kabilang na si Juliana.

Read also

Anne Curtis, nabulol; sinabihan si Vice Ganda ng pumangit sa halip ng pumagitna

Vice Ganda, binanggit ang pangalan ni Juliana Parizcova Segovia sa It's Showtime
Vice Ganda, binanggit ang pangalan ni Juliana Parizcova Segovia sa It's Showtime (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Hindi na kasama si Juliana sa mga bumalik sa It's Showtime para maging bahagi ng production.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kabilang sina Lars Pacheco at Anne Patricia Lorenzo sa mga muling bumalik upang mag-perform sa opening number ng It's Showtime.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga main hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Kinaaliwan ang video ni Ethel Booba kamakailan kung saan pinag-shopping ni Vice Ganda ang kanyang inaanak na anak ng kanyang kaibigang si Ethel. Umabot sa mahigit P300,000 ang presyo ng lahat ng kanyang binayarang mga damit at laruan ng inaanak. Marami ang namangha at humanga sa pagiging galante nito sa kanyang inaanak.

Read also

Cristy Fermin, sinabing sina Korina at Noli ang ilan sa mga umano'y nakikipag-usap na sa AMBS

Matatandaang nabanggit ni Vice Ganda sa isang episode ng 'It's Showtime' ang tungkol sa taong umano'y nakikisali. Aniya, may tao silang napag-usapan na nagpaparinig kahit hindi naman umano ito kasali sa isyu. Hirit naman ng kanyang co-host, pag close lang pwedeng makisali sa isyu nila. Wala namang binanggit na pangalan si Vice Ganda pero base sa reaksiyon ng kanyang mga kasamahan ay kilala nila ang tinutukoy ni Vice Ganda.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel