Diwata, nagpasalamat kay Vice Ganda sa mga pinadala nitong regalo sa kanya

Diwata, nagpasalamat kay Vice Ganda sa mga pinadala nitong regalo sa kanya

- Nagpasalamat si Diwata sa mga regalong pinadala sa kanya ng kanyang idolo na si Vice Ganda

- Sa isang video ay makikitang may kinakausap si Diwata sa cellphone niya na taong nagpahatid ng detalye kaugnay sa mga pinadala ni Vice Ganda

- Ibinida ni Diwata ang bagong mga upuan, mesa at tent na pinadala sa kanya ni Vice na magagamit niya sa kanyang paresan

- Nagbiro pa si Diwata kung kasama daw ba ang sasakyan sa ibibigay ni Vice sa kanya

Ngpahayag si Diwata ng kanyang pasasalamat sa kanyang idolo na si Vice Ganda para sa mga regalong ipinadala nito sa kanya.

Diwata, nagpasalamat kay Vice Ganda sa mga pinadala nitong regalo sa kanya
Diwata, nagpasalamat kay Vice Ganda sa mga pinadala nitong regalo sa kanya
Source: Facebook

Sa isang video na ibinahagi ni Diwata sa kanyang social media accounts, ipinakita niya ang kanyang pasasalamat habang nakikipag-usap sa isang taong nagbigay ng detalye tungkol sa mga regalo na ipinadala ni Vice Ganda.

Sa nasabing video, ipinakita ni Diwata ang mga bagong upuan, mesa, at tent na ibinigay sa kanya ni Vice Ganda na maaring gamitin sa kanyang paresan. Ibinida niya ang mga ito, nagpapakita ng kanyang kasiyahan at pasasalamat sa hindi inaasahang biyaya.

Read also

Miles Ocampo, binahagi ang pictures na kuha sa kanyang birthday salubong

Sa kabila ng pagiging overjoyed sa mga regalo, nagpakita rin ng kanyang natatanging sense of humor si Diwata sa video. Nagbiro siya kung kasama ba ang sasakyan sa mga regalo mula kay Vice Ganda.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Matatandaang nagbahagi ng mensahe si Diwata para sa mga bashers niya na nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa kanya at sa kanyang negosyo. Aniya, hindi madumi ang pagkain niya at ang madumi ay ang ugali ng mga bashers niya. Tinuligsa niya ang kanilang mga saloobin at hinimok silang linisin ang ugali ng mga ito. Binigyang-diin ni Diwata na ang kanyang layunin ay simpleng makabangon sa kahirapan.

Read also

Vice Ganda, halos isang taong hindi pinalabas ng bahay si Awra Briguela

Binahagi ni Alex Gonzaga ang pagpunta nila ni Mikee Morada sa sikat at pinipilahang Diwata Pares. Naroroon din ang may-ari nito na si Diwata at nakita ito sa video na binahagi ni Alex na tila galit. Dahil hindi pa buo at pasilip lamang ang binahagi ni Alex, may mga nakapag-isip na malamang ay na-prank ni Alex si Diwata kaya tila nakasimangot ito. Sa iba pang video na naibahagi online, nanlibre si Alex sa mga taong naroroon at nagbigay siya ng 50,000 pesos para ipangbayad sa pagkain ng mga naroroon at pumipila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel