Miles Ocampo, binahagi ang pictures na kuha sa kanyang birthday salubong

Miles Ocampo, binahagi ang pictures na kuha sa kanyang birthday salubong

- Nag-post si Miles ng pictures at video clip na kuha sa ginanap na birthday salubong sa kanya

- Sa isang video clip ay makikitang naging emosyonal si Miles sa sorpresa sa ng mga taong malalapit sa kanya

- Kabilang si Elijah Canlas sa mga naroroon sa birthday salubong ni Miles

- Matatandaang kamakailan ay nabanggit ni Elijah na sinusubukan nilang ayusin ang kanilang relasyon matapos ang kanilang paghihiwalay

Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, ibinahagi ni Miles Ocampo ang mga pictures mula sa kanyang birthday salubong. Sa kanyang social media account, nag-post si Miles ng mga larawan at video clip mula sa masayang okasyon.

Miles Ocampo, binahagi ang pictures na kuha sa kanyang birthday salubong
Miles Ocampo, binahagi ang pictures na kuha sa kanyang birthday salubong
Source: Instagram

Sa isa sa mga video clip, kitang-kita ang emosyon sa mukha ni Miles sorpresahin siya ng kanyang mga kaibigan at pamilya. Hindi maitago ang kanyang kaligayahan at pasasalamat sa pagmamahal na ibinibigay sa kanya.

Read also

Vice Ganda, halos isang taong hindi pinalabas ng bahay si Awra Briguela

Kasama sa mga naroroon sa kanyang birthday salubong ay si Elijah Canlas, na kamakailan lang ay nagbahaging sinusubukan nilang ayusin ang kanilang relasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabuuan, hindi maipagkakailang masayang-masaya si Miles sa espesyal na araw na ito, na puno ng pagmamahal at suporta mula sa kanyang mga kaibigan at pamilya.

Si Camille Tan Hojilla o mas kilala bilang si Miles Ocampo ay isang Filipina actress, model, writer at TV host. Naging bahagi siya ng dating ABS-CBN youth-oriented gag show na Goin' Bulilit. Bago siya naging CAM talent isa siyang Star Magic talent. Ilan sa kanyang mga nakatrabaho kung saan siya ang gumanap sa mga supporting roles ay sina Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, Kim Chiu at Lorna Tolentino.

Matatandaang hindi napigilan ni Miles na maluha dahil sa kabi-kabilang papuring natatanggap niya sa pagganap sa 'Batang Quiapo'. Matatandaang sa Pilot episode ng nasabing serye, isa sa binigyang puri ang husay sa pag-arte ni Miles. Aniya, weakness niya raw umano ang mga nagsasabing na-appreciate siya ng mga tao lalo na at binibigay niya talaga ang lahat pagdating sa pag-arte. Talagang nagtrending ang kanyang pagganap na serye na hanggang ngayon, nakababasa pa rin umano siya ng mga papuri sa kanya sa Batang Quiapo.

Matatandaang naibahagi ni Miles sa kanyang guesting sa 'Magandang buhay' ang naging health emergency niya kung saan kinailangan niyang magpaopera. Ani Miles, mabuti at naagapan niya at nakapagpaopera kaagad dahil maari umanong lumala ang kanyang kondisyon na may kinalaman sa kanyang thyroid. Naging palaisipan umano sa kanya noong palagi siyang hinihingal at nadadagdagan ang timbang niya kahit aniya ay ginagawa naman niya ang dapat niyang gawin. Kaya naman, napagpasyahan niyang magpasuri at doon nasabi sa kanya na kailangan niya nang magpaopera kaagad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel