Vice Ganda, halos isang taong hindi pinalabas ng bahay si Awra Briguela

Vice Ganda, halos isang taong hindi pinalabas ng bahay si Awra Briguela

- Ibinahagi ni Awra Briguela ang kanyang mapusong pag-amin kaugnay sa kinasangkutang kontrobersiya sa vlog ni Vice Ganda

- Matapos ang kinasangkutang gulo sa Poblacion, Makati, hindi iniwan ni Vice Ganda si Awra

- Kwento pa ni Vice, halos isang taong hindi niya pinapalabas ng bahay si Awra at hindi na rin ito umiinom kagaya noong bago ang gulo

- Humingi naman ng dispensa si Awra sa mga taong kanyang nadismaya at nagpayong huwag siyang tularan na idinaan sa pag-inom ng alak upang matakasan niya ang kanyang problema

Sa isang emosyonal na pag-amin, ibinahagi ni Awra Briguela ang kanyang mga pinagdaanang pagsubok matapos ang kinasangkutang kontrobersiya.

Sa vlog ni Vice Ganda, nabanggit ni Meme na halos isang taon niyang hindi pinapalabas ng bahay si Awra.

Vice Ganda, halos isang taong hindi pinalabas ng bahay si Awra Briguela
Vice Ganda, halos isang taong hindi pinalabas ng bahay si Awra Briguela
Source: Youtube

Matapos ang gulo sa Poblacion, Makati, kung saan naugnay ang kanilang mga pangalan, hindi iniwan ni Vice Ganda si Awra.

Read also

Vice Ganda, nagbiro matapos sumingit daw magperform si Anne Curtis: “Respect naman sa ibang artists”

Ngunit, sa kabila ng pagsubok na ito, humingi ng dispensa si Awra sa mga taong nadismaya at nagpayong huwag siyang tularan. Pinasalamatan din niya si Vice Ganda sa pagmamahal at pagtulong sa kanya sa gitna ng mga pinagdaanang problema.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel