Vice Ganda, nagbiro matapos sumingit daw magperform si Anne Curtis: “Respect naman sa ibang artists”

Vice Ganda, nagbiro matapos sumingit daw magperform si Anne Curtis: “Respect naman sa ibang artists”

- Kinaaliwan ang hirit ni Vice Ganda kay Anne Curtis matapos umano itong sumingit na mag-perform

- Sa kanilang show na #BidaKapamilya sa SM City Pampanga, kasama sina Vice Ganda, MC, Lassy at Anne Curtis sa mga nag-perform

- Hirit ni Vice Ganda kay Anne, i-respeto naman daw nito ang kasamahan niyang artist sabay sabing 'charot!'

- Ang birong ito ni Vice ay base sa kontrobersiyang kinasangkutan kamakailan nina Francine Diaz at bandang Orange & Lemons

Sa isang masayang pagtatanghal sa kanilang show na #BidaKapamilya sa SM City Pampanga, hindi nawala ang aliw at tawanan sa biro ni Vice Ganda kay Anne Curtis matapos ang umano'y pag-singit ng huli sa isang performance.

Vice Ganda, nagbiro matapos sumingit daw magperform si Anne Curtis: “Respect naman sa ibang artists”
Vice Ganda, nagbiro matapos sumingit daw magperform si Anne Curtis: “Respect naman sa ibang artists”
Source: Facebook

Kasama sina Vice Ganda, MC, Lassy, at Anne Curtis sa mga nag-perform sa nasabing event. Nagbiro si Vice tungkol sa umano'y pagsingit ni Anne Curtis.

"Respect Naman sa Ibang Artists" sambit ni Vice Ganda, bago idagdag ang patawang "charot!" na agad nagpalakas ng tawanan sa buong venue. Ang kanyang biro ay hindi lamang nagpatawa sa mga manonood, kundi nagbigay din ng mas lalo pang sigla sa kanilang pagtatanghal.

Read also

Angeline Quinto, nag-viral ang bagong video sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang biro ni Vice ay base sa kontrobersiyang kinasangkutan kamakailan ng mga artista na sina Francine Diaz at ang banda na Orange & Lemons, na nagbigay kulay at konteksto sa kanyang pagbibigay-diin sa pagiging magalang at respeto sa kapwa.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Read also

Buboy Villar, kinaaliwan sa kanyang todo-bigay na sampol sa It's Showtime

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel