Andrea Brillantes, nakasabay daw ang Enhypen sa elevator

Andrea Brillantes, nakasabay daw ang Enhypen sa elevator

- Naibahagi ni Andrea Brillantes ang kanyang naging karanasan sa pagpunta niya sa fashion week sa Milan, Italy

- Habang nag-aayos ng kanyang makeup, nabahagi niyang nakasabay niya sa elevator ang KPop boyband na Enhypen

- Aniya, hindi niya napagtanto na Enhypen daw pala ang kasabay niya

- Paglalarawan niya pa, wala daw talagang nakikitang pores sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakwento ni Andrea Brillantes ang kanyang karanasan sa Milan, Italy kung saan pumunta siya para sa fashion week. Aniya, nakasabay niya pa sa elevator ang South Korean boyband na Enhypen.

Andrea Brillantes, nakasabay daw ang Enhypen sa elevator
Andrea Brillantes, nakasabay daw ang Enhypen sa elevator
Source: Instagram

Sa kanyang GRWM video na binahagi niya sa TikTok ay nabanggit niyang hindi niya agad napansin na Enhypen pala ang nakasabay niya sa elevator.

Nakasama ko pa sa elevator ang Enhypen which was so funny and frustrating at the same time coz I didn't realize na Enhypen na yung kasabay ko. Narealize ko lang nung nakaalis na.

Read also

Andrea Brillantes, sariling sikap sa kanyang hair and makeup para sa fashion week

Dahil sa kanyang experience na ito ay maraming Kpop fans ang napa-sana all.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

OMG Enhypen Sana nkapag picture ka sa kanila
Beh sinalo mo na lahat ng kaswertehan sa mundo.
Blythe and Enhypen in one elevator?!?!! how lucky you are.

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Minabuti ni Andrea Brillantes na magsalita kaugnay sa kanyang bagong vlog kasama ang kanyang mga kaibigan. Paliwanag ni Andrea, kaya niya ginawang Date or Pass na lang kesa jojowain o totropahin dahil aniya ay hindi naman siya naghahanap ng bagong karelasyon. Aniya, playtime lang naman iyon at sinabi niya lang naman na nagagwapuhan lang siya sa anak ni Ina Raymundo. Naibahagi niya kasi sa vlog na nagpakilala sa kanya itong anak ni Ina ngunit kasama niya ang ex niya noong time na iyon at biro lang ang sinabi niyang 'Im sngle now'.

Read also

Dasal ni Zeinab: "Ayoko na nang papalit-palit, ito na 'yun Lord Allah"

Ayon kay Ina Raymundo, natutuwa siya kay Andrea Brillantes. Kaugnay ito sa kanyang prangkang pag-amin na nagu-guwapuhan siya sa anak ni Ina na si Jakob Poturnak. Ani Ina, hindi niya alam kung nagbibiro lang si Andrea pero hindi siya makakapag-decide sa kung sino ang gugustuhin ng kanyang mga anak. Matatandaang inalmahan ni Andrea ang mga negatibong komento kaugnay sa kanyang vlog na date or pass na aniya ay for content lang naman sana.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate