Andrea Brillantes, umalma sa mga komento sa kanyang date or pass vlog

Andrea Brillantes, umalma sa mga komento sa kanyang date or pass vlog

- Minabuti ni Andrea Brillantes na magsalita kaugnay sa kanyang bagong vlog kasama ang kanyang mga kaibigan

- Paliwanag ni Andrea, kaya niya ginawang Date or Pass na lang kesa jojowain o totropahin dahil aniya ay hindi naman siya naghahanap ng bagong karelasyon

- Aniya, playtime lang naman iyon at sinabi niya lang naman na nagagwapuhan lang siya sa anak ni Ina Raymundo

- Naibahagi niya kasi sa vlog na nagpakilala sa kanya itong anak ni Ina ngunit kasama niya ang ex niya noong time na iyon at biro lang ang sinabi niyang 'Im sngle now'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Andrea Brillantes ang kanyang saloobin kaugnay sa mga komento laban sa kanya dahil lang sa kanyang vlog na Date or Pass. Nilinaw niyang for content lang iyon at hindi naman siya naghahanap ng karelasyon sa kasalukuyan.

Read also

Paye Galang sa gitna ng isyu sa pagdidisiplina ni Toni Fowler sa kanya: "Dami nyong hanash"

Andrea Brillantes, aminadong todo siyang magmahal: "Actually bakla din akong magmahal"
Andrea Brillantes, aminadong todo siyang magmahal: "Actually bakla din akong magmahal" (@blythe)
Source: Instagram

Ani Andrea, sa naturang video ay nilinaw niyang kaya niya ginawang Date or Pass kesa Jojowain o Totropahin dahil ayaw niyang maulit yung nangyari sa dati niyang Jojowain o totropahin vlog.

Aniya, sa tingin niya ay sexist ang mga lumabas na article tungkol sa naturang vlog dahil aniya ay sa dami ng sinabi niya ay ang mga naibalita ay parang pinapamukha na mababaw siyang tao.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel