Paye Galang sa gitna ng isyu sa pagdidisiplina ni Toni Fowler sa kanya: "Dami nyong hanash"

Paye Galang sa gitna ng isyu sa pagdidisiplina ni Toni Fowler sa kanya: "Dami nyong hanash"

- Nag-post si Paye Galang ng TikTok video kasama si Toni Fowler sa gitna ng nag-viral na video clip na mula sa vlog ni Toni

- Sa naturang clip ay naging hati ang reaksiyon ng netizens kaugnay sa ginawang pagdidisiplina ni Toni sa anak-anakan niyang si Paye

- Kinalaunan ay nagkaiyakan sila at naghingian ng sorry sa naturang video na ngayon ay umaabot na sa 2.8 million views

- Sa kanyang TikTok video ay sinabi ni Paye na mahal niya si Toni at masaya siya na may taong kagaya ni Toni sa buhay niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-react si Paye Galang sa gitna ng mga komento ng netizens sa ginawang disiplina sa kanya ni Toni Fowler kamakailan na makikita sa kanilang vlog sa YouTube. Ani Paye, masaya siya na mayroong isang tao na kagaya ni Toni na nandyan para sa kanya.

Read also

Luis Manzano, sumalang sa lie detector test sa vlog ni Bea Alonzo

Paye Galang sa gitna ng isyu sa pagdidisiplina ni Toni Fowler sa kanya: "Dami nyong hanash"
Paye Galang sa gitna ng isyu sa pagdidisiplina ni Toni Fowler sa kanya: "Dami nyong hanash"
Source: Instagram

Inihayag din ni Paye ang kanyang pagmamahal kay Toni. Si Paye ang nakababatang kapatid ng malapit na kaibigan ni Toni na si Papi Galang.

Kasalukuyan siyang nakatira kasama ang ToRo family at tumutulong din siya pagdating sa negosyo ni Toni.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel