Luis Manzano, sumalang sa lie detector test sa vlog ni Bea Alonzo

Luis Manzano, sumalang sa lie detector test sa vlog ni Bea Alonzo

- Sumalang si Luis Manzano sa lie detector test sa pinakabagong vlog na binahagi ni Bea Alonzo

- Kahit pabiro ang kanyang mga sagot ay maraming mga bagay ang naibahagi ni Luis sa vlog na iyon ni Bea

- Hindi naman mapigil ng aktres ang matawa sa natural na pagpapatawa ni Luis na dati niya nang nakasama sa ilang mga shows

- Sa kabila ng kanyang mga patawang sagot ay hindi sumablay kahit isa ang kanyang mga sagot

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan sina Luis Manzano at Bea Alonzo sa bagong vlog episode ng aktres. Sumalang sa lie detector test si Luis kagaya sa mga karamihan sa guests ni Bea.

Luis Manzano, sumalang sa lie detector test sa vlog ni Bea AlonzoLuis Manzano, sumalang sa lie detector test sa vlog ni Bea Alonzo
Luis Manzano, sumalang sa lie detector test sa vlog ni Bea Alonzo
Source: Youtube

Dahil likas na palabiro, karamihan sa kanyang mga sagot ay nakakatawa na maging ang mga taong naroroon sa likod ng camera ay napapatawa na lang din.

Read also

Vice Ganda, nag-sorry sa joke kay Anne Curtis: "I put Anne in an uncomfortable situation"

Sa kabila nito ay bumilib si Bea sa husay nitong sumagot at pawang mga truth naman ang kanyang mga sagot sa tanong na binato ni Bea.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Bea Alonzo ay isang kilalang aktres sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ang kanyang buong pangalan ay Phylbert Angelie Ranollo Fagestrom, at isinilang siya noong Oktubre 17, 1987, sa Cainta, Rizal, Pilipinas. Nagsimula siya sa industriya bilang isang commercial model bago maging isang aktres. Nakilala siya sa kanyang mga mahusay na pagganap sa mga pelikula at teleserye.

Para kay Bea, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito. Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres. Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon. Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula.

Read also

Janno Gibbs, naniniwalang napapanahon ang pagpapalabas ng pelikula nila ng kanyang ama

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel