Ina Raymundo kinagiliwan si Andrea Brillantes: "I find her comments flattering and amusing"

Ina Raymundo kinagiliwan si Andrea Brillantes: "I find her comments flattering and amusing"

- Ayon kay Ina Raymundo, natutuwa siya kay Andrea Brillantes

- Kaugnay ito sa kanyang prangkang pag-amin na nagu-guwapuhan siya sa anak ni Ina na si Jakob Poturnak

- Ani Ina, hindi niya alam kung nagbibiro lang si Andrea pero hindi siya makakapag-decide sa kung sino ang gugustuhin ng kanyang mga anak

- Matatandaang inalmahan ni Andrea ang mga negatibong komento kaugnay sa kanyang vlog na date or pass na aniya ay for content lang naman sana

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi pinagkaila ni Ina Raymundo na natutuwa siya kay Andrea Brillantes. Sa panayam sa kanya ni Giselle Sanchez sa column sa Manila Bulletin ay sinabi daw ni Ina na flattering at amusing para sa kanya ang mga naging pahayag ni Andrea.

Ina Raymundo kinagiliwan si Andrea Brillantes: "I find her comments flattering and amusing"
Ina Raymundo kinagiliwan si Andrea Brillantes: "I find her comments flattering and amusing"
Source: Instagram

Gayunapaman, aniya ay hindi siya ang makakapag-decide kung sino ang gustong maka-date ng kanyang mga anak.

Read also

Kris Bernal, pinakilala sa publiko ang anak niyang si Hailee Lucca

“I like Andrea, and I find her comments flattering and amusing. It’s raw and unfiltered. I am also not sure if she was serious or just kidding around. Unfortunately, I cannot decide for my kids Jakob and Erika on their choices and love life. It’s really up to them. Also, the two are too busy in school abroad to comment on this,"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, sa isang ulat ng Cosmopolitan, naibahagi ni Ina kung gaano siya ka-proud sa anak sa pagiging bahagi nito ng baseball match sa kanyang paaralan.

Kamakailan lang ay naiulat ng GMA News ang pagbisita ni Ina sa anak kung saan binahagi niya ang kanyang pagkagulat nang muling makasama si Jakob matapos ang limang buwan dahil sa 'growth' nito.

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Read also

Moira Dela Torre, aminadong nagkita sila ni Jason Marvin: "We were talking about papers"

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel