Moira Dela Torre, aminadong nagkita sila ni Jason Marvin: "We were talking about papers"

Moira Dela Torre, aminadong nagkita sila ni Jason Marvin: "We were talking about papers"

- Nabanggit ni Moira Dela Torre na nagkita sila ni Jason Marvin Hernandez, para pag-usapan ang usaping legal kaugnay sa kanilang paghihiwalay

- Napag-usapan daw nila kung paano nabago ng Panginoon ang buhay nila at makapagpatuloy sila sa buhay nang walang bitterness

- Naganap ang pagbabahaging ito ni Moira sa kanyang ginanap na concert sa Davao

- Matatandang ikinasal sila ni Jason Marvin noong January 14, 2019

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Moira Dela Torre na nagkita sila ni Jason Marvin Hernandez para mapag-usapan ang tungkol sa papers kaugnay sa kanilang paghihiwalay. Sa kanyang concert sa Davao, nabanggit ni Moira ang tungkol sa pag-move nila nang wala nang bitterness.

Moira Dela Torre, aminadong nagkita sila ni Jason Marvin: "We were talking about papers"
Moira Dela Torre, aminadong nagkita sila ni Jason Marvin: "We were talking about papers"
Source: Instagram
“We talk about…how we can move forward without bitterness even if not how we planned it"

Ito ang kanyang naging pahayag bago niya kantahin ang awitin niyang "Rewritten Vows" sa ginanap na concert niya sa Davao nitong August 26, 2023.

Read also

Cristy, may payo umano kay Vice Ganda: "'Wag na kayong maghamon"

Matatandaang ikinasal sila ni Jason Marvin noong January 14, 2019 at kinalaunan ay isinapubliko ang kanilang paghihiwalay noong May 2022.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Pinatunayan ni Moira na siya nga ang Hugot Queen matapos nitong kantahin ang mga awiting ayon sa kanyang fans ay talaga namang mapanakit. Sa kanyang katatapos lang na concert ay usap-usapan ang mga makahulugang awitin ni Moira. Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mga mensahe ng kanta niya sa kanyang personal na karanasan. Kabilang nga sa kinanta niya ay ang mga kantang nagpapahiwatig ng pagloko sa kanya ng maraming beses.

Sinagot ni Moira ang komento ng isang netizen sa kanyang post sa Facebook. Sinabihan siya ng naturang Facebook user na pwede na daw siyang sumali sa blind date. Sagot naman ni Moira ay naging blind na daw siya sa pag-ibig dati at ayaw niya na raw. Marami ang naaliw sa kwelang mga sagot ni Moira sa mga komento ng netizens sa kanyang social media posts.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel