Cristy, may payo umano kay Vice Ganda: "'Wag na kayong maghamon"

Cristy, may payo umano kay Vice Ganda: "'Wag na kayong maghamon"

- Nagbigay komento si Cristy Fermin at mga kasama niya sa Showbiz Now Na! sa ilang hosts ng "It's Showtime" lalo na kay Vice Ganda

- Marami ang nakapansin umano na naulit pa rin ang tila malisyosong pahayag ng ilang mga host ng programa

- Ito ay sa kabila ng paghihintay ng hatol ng MTRCB sa umano'y icing incident nina Vice at Ion

- Matatandaang naging kontrobersyal ito gayung nangyari ito sa harap din ng mga kasama nilang bata sa programa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendel Alvarez sa Showbiz Now Na! ang umano'y nagawa pa rin ng ilang It's Showtime hosts sa kabila ng kontrobersyal na 'icing incident' ni Vice Ganda.

Cristy, may payo umano kay Vice Ganda: "'Wag na kayong maghamon"
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Matatandaang naging usap-usapan ito gayung nakarating sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang naturang insidente at hanggang ngayong tila sinusuring mabuti matapos ang sinasabing paglabag nito sa Section 3 ng Presidential Decree No. 1986.

Read also

Ogie D, tila may payo kina Vice Ganda: "mas maganda siguro mag-courtesy call sila sa MTRCB"

Ibinahagi nina Cristy na tila may nagawa na naman ang ilang host tulad nina Kim Chiu, at Jackie Gonzaga na nilarawan ang kanilang bulaklak.

"Ito po 'yung katabi niya si Kim Chiu at saka si Jackie Gonzaga. Ang punto po nilang pinagtatalunan at pinaksa, tungkol po sa bulaklak. Alam naman po nating ang terminong bulaklak ay ginagamit ng mga manunulat, ng mga nobelista, sa napakahalgang parte ng katawan ng isang babae depende na lang po 'yan sa ating interpretasyon," ani Cristy na naisalaysay din ang sagot nina Jackie at Kim nang matanong sila ni Vice. Gayundin ang umano'y naging talakayan din ng ilang hosts tungkol naman sa sandata, kabilang muli rito si Vice.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, tila nakaaalarma muli ang napag-usapang ito sa kanilang programa.

"Pa'no ka makikisimpatya sa katulad ni Vice Ganda na alam na nga na nadiyan pa ang problema nila ni Ion Perez na ngayon po ay papalabas na ang magiging verdict ng MTRCB, pero para pang nananadya," pahayag ni Cristy.

Read also

Cristy kay Andrea Brillantes bilang 'Most Important Star' ng ABS-CBN: "Panahon ni Andrea ngayon"

"Sa nobela, 'yang bulaklak 'yang sandata, bahagi po ng panulat na talaga namang ang meaning po ay dalawa ang meaning talaga. Kaya sana, kung ganyan na meron ka na ngang kaso, meron na ngang problema, pinagdedesisyunan ng MTRCB kung anong ibibigay na verdict sa inyo. Cool lang, chillax lang. 'Wag na kayong maghamon... Isang araw, pagsisisihan niyo ang mga ginagawa niyong 'yan," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.8 million subscribers.

Nito lamang Hunyo 28 ng kasalukuyang taon, pinakaabangan ng lahat ang mensahe ni Vice Ganda sa ginanap na contract signing ng kanyang It's Showtime family sa GTV. At nito lamang Hulyo 1, isang bonggang opening number ang hinandog ng kanilang programa bilang first episode na mapapanood sila sa GTV.

Read also

Ogie D, nakiramay sa naulila ni Mike Enriquez; inalala ang papuring nasabi nito sa kanya

Samantala, minsan na ring nabanggit ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ang umano'y pamamahinga ni Vice ngayong taon sa Metro Manila Film Festival na ginaganap tuwing Disyembre. Ipinalabas ito sa sinehan sa araw ng Kapaskuhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel