Kris Bernal, pinakilala sa publiko ang anak niyang si Hailee Lucca

Kris Bernal, pinakilala sa publiko ang anak niyang si Hailee Lucca

- Ibinahagi ni Kris Bernal sa kanyang Instagram post na nakapanganak na siya

- Sa kanilang ika-15 na araw na nakakasama ang anak na pinangalanan nilang Hailee Lucca, pinakilala niya ito sa publiko

- Aniya, maituturing niyang most magical days ng kanilang buhay ang makasama ang anak nila ni Choi Perry

- Ninanamnam daw nilang mag-asawa ang kanilang oras na makasama ang anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Kris Bernal na 15 na araw na mula nang makasama nila ang anak na pinangalanan nilang Hailee Lucca. Aniya, maituturing niyang most magical days ng kanilang buhay ang makasama ang anak nila ni Choi Perry.

Kris Bernal, pinakilala sa publiko ang anak niyang si Hailee Lucca
Kris Bernal, pinakilala sa publiko ang anak niyang si Hailee Lucca (@krisbernal)
Source: Instagram

Sa kabila ng kanyang naranasang "hardest labor" gagawin daw niya itong muli makita lang ang anak.

15 days with our #LittleSunshine, @haileelucca! And, it has been the most magical days of our lives. After the longest pregnancy and hardest labor, I would do it over so many times to meet my #LittleSunshine.

Read also

Sharon Cuneta sa basher: "Tumigil na kayo at di kayo nakakatulong"

Inihayag niya rin ang saloobin niya bilang isa nang ganap na ina. Pinagpasalamat na din niya ang pagkakataon binigay sa kanila ni Choi para maging mga magulang.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

My heart is so full and becoming a mother is the most rewarding and beautiful thing in my life. Thank you, Lord, for giving us a chance to be parents! We have been taking some time to ourselves to get settled. For now, we’re really slowing down and soaking up every minute, cherishing it all.

Si Kris Bernal ay unang nakilala sa kanyang pagkapanalo sa ikaapat na season ng StarStruck. Siya ay nakilala rin sa kanyang dual role bilang Rosette at Nimfa sa Impostora.

Kamakailan ay naibahagi ni Kris ang tungkol sa 'toxicity' ng social media sa kanyang buhay. Aniya, nanahimik muna siya sa social media. Matatandaang umani ng mga reaksiyon ang pagbabahagi niya ng update kaugnay sa kanyang pagbubuntis at nalalapit na panganganak.

Read also

Cristy, may payo umano kay Vice Ganda: "'Wag na kayong maghamon"

Naibahagi din ni Kris ang kanyang saloobin kung paano niya nakikitta ang kanyang sarili. Aniya, ibang-iba na ang nakikita niya ngunit alam niyang siya ay mas malakas dahil isa na siyang ina. Aniya, hindi na niya nakikilala ang sarili pag tumitingin siya sa salamin pero alam daw niyang siya ay nasa kanyang best era.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel