Kylie Padilla, emosyonal na nagpaalam sa KyThan at Code Black

Kylie Padilla, emosyonal na nagpaalam sa KyThan at Code Black

  • Emosyonal na nag-live sa TikTok si Kapuso actress Kylie Padilla noong Miyerkules, Setyembre 9, kung saan inanunsyo niya ang paglayo muna sa online tambalan nila ng South Korean TikToker na si Ethan o Eunseok
  • Sa kaniyang pahayag, inamin ni Kylie na nagkaroon siya ng attachment sa kanilang interaction at naapektuhan siya ng mga nangyayari sa kanilang TikTok content at sa kaniyang pakikisalamuha sa Code Black
  • Hiningi rin ng aktres sa kaniyang followers na huwag atakihin o pagbuntunan ng negatibong komento sina Ethan, Seung at Johnny, at sa halip ay patuloy silang suportahan
  • Sinabi ni Kylie na kailangan niyang protektahan ang kaniyang sarili, magpahinga muna sa TikTok at ibalik ang kaniyang atensyon sa kaniyang totoong buhay matapos niyang ibigay ang malaking bahagi ng kaniyang oras at enerhiya sa KyThan at Code Black

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Emosyonal na nag-live sa TikTok ang Kapuso actress na si Kylie Padilla noong Miyerkules, Setyembre 9, kung saan sinabi niyang lalayo muna siya sa online tambalan nila ng South Korean TikToker na si Ethan o Eunseok.

Read also

Mukbang creator Ganfan Yingying, 24, pumanaw ilang araw matapos ang huling video

Kylie Padilla, emosyonal na nagpaalam sa KyThan at Code Black
Kylie Padilla, emosyonal na nagpaalam sa KyThan at Code Black (đź“·@kylienicolepadilla/IG)
Source: Instagram

Sa kaniyang live, inanunsyo ni Kylie ang pagtatapos ng kanilang interaction bilang KyThan, gayundin ang kaniyang paglayo muna sa grupong Code Black na kinabibilangan nina Ethan, Johnny at Seung.

Maluha-luha siyang nagbahagi ng kaniyang nararamdaman habang may label sa live na “KyThan signed off” at “Code Black signed off.”

Kasabay nito, naglabas din siya ng mensahe sa TikTok Stories.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“I did my best everyone. But this time I choose my peace. I hope everyone still supports Ethan, Seung, and Johnny respectively.”

Hiningi rin ni Kylie na huwag na siyang isama sa mga susunod na usapan tungkol sa grupo.

“I would like to ask that people exclude me from the narrative now.”

Nagpasalamat din siya sa mga sumuporta at nagpakita ng pagmamahal sa kanilang online interaction.

“Maraming maraming salamat sa lahat ng nagmahal sa amin. Mahal ko kayo.”

Kylie, humingi ng suporta para sa Code Black

Sa kabila ng kaniyang desisyong lumayo, malinaw kay Kylie na ayaw niyang maapektuhan ng kaniyang pag-alis ang iba pang miyembro ng Code Black.

Read also

Andrea Brillantes, nag-iwan ng komento sa video nina Bea at Meray

Sa kaniyang live, direkta siyang nakiusap sa kaniyang followers na huwag silang habulin o atakihin online.

“Don’t go after them. Protect them too, please.”

Sinabi rin niya na hindi muna siya magla-live sa mga susunod na araw dahil kailangan niyang makapagpahinga.

“After this, I’m not gonna get on for a while because I also need to recover.”

Ipinaliwanag niyang magpapatuloy naman sa pagla-live ang kaniyang mga kasama at hiniling niyang huwag maging negatibo ang chat ng mga ito.

“But they will be on tomorrow. And ayokong gumising sila na negative yung chat nila.”

Dagdag pa niya:

“Gusto ko masaya yung chat nila, and their family is as strong as ever, okay? You promise me that.”

Muli rin niyang hinikayat ang kaniyang followers na suportahan ang kaniyang tinawag na “Code Black boys.”

“Mag-comment kayo, promise. Protect my boys, my Code Black boys.”

Inamin ni Kylie ang kaniyang attachment kay Ethan

Sa gitna ng kaniyang emosyonal na pahayag, inamin din ni Kylie na nagkaroon siya ng attachment kay Ethan.

Read also

Paulo Tuazon, nagsalita matapos lumutang ang isyu kina Jen at Forda

“Me and Ethan… ang hirap naman nito,” ani Kylie.

Sinabi niyang siya mismo ang nakaramdam ng attachment at hindi niya sinisi si Ethan sa kaniyang nararamdaman.

“Nagkaroon ako ng attachment, guys. It’s me. It’s not Ethan.”

“But it’s unfair. It’s me. I got attached. I got affected.”

Ayon pa sa aktres, napansin niyang nag-aadjust na siya dahil sa kaniyang pagiging sensitibo sa mga ginagawa ni Ethan sa kaniyang live.

“I caught myself adjusting. Because, super sensitive ako sa kanya when I watched him on his live.”

Ipinaliwanag ni Kylie na pinili niyang umatras habang maaga pa dahil ayaw niyang mas lumalim ang kaniyang nararamdaman.

“I care too much, and I’m working on that.”

“It’s me. It’s me talaga. Na-attach ako, guys.”

Dagdag niya:

“I don’t wanna get hurt. Kapag pinatagal ko kasi ang content na ito, baka ako yung masaktan.”

“Baka mas maging malalim pa ito or, you know...”

“I don’t wanna do that. I didn’t come on this app to do that.”

Read also

Katherine Luna, muling nagsalita matapos ang matinding pambabash online

Sinabi rin niyang ayaw niyang makaramdam ng pressure si Ethan dahil sa kaniyang sariling emosyon.

“Ayoko rin ma-pressure yung tao dahil sa akin. So, ako na yung bumitaw.”

Kailangan munang bumalik sa totoong buhay

Bukod sa kaniyang emosyon, sinabi rin ni Kylie na naapektuhan na ang kaniyang routine dahil sa oras at energy na inilaan niya sa TikTok.

“I had to protect myself and also... hindi na normal yung tulog ko, guys.”

“I need to focus on my real life again, guys. Kasi ang dami ko talagang binigay na energy, sa Code Black, sa KyThan.”

Noong Huwebes, Setyembre 10, hindi nag-live si Kylie.

Ayon sa ulat, napansin din ng ilang followers na tila hindi ganoon kasigla ang live ng Code Black. Sumilip umano si Kylie sa live ni Seung at nagbigay siya ng gift.

May nauna nang usap tungkol sa Korea

Sa naunang live ni Kylie, nabanggit din niya ang posibilidad na pumunta sila ng kaniyang Taskforce Firewall co-star na si Cheska Fausto sa South Korea.

Read also

Mari Fowler, umapela sa fans na huwag patulan ang hate at fake news

Napag-usapan ito dahil October 21 ang birthday ni Ethan, kaya may ilang followers na nag-isip na maaaring may plano siyang sorpresahin ito.

Gayunman, hindi ito naging kumpirmasyon na may romantikong relasyon sina Kylie at Ethan.

Sa nasabing live, pabirong sinabi ni Kylie:

“Nagdelulu din ako, guys! Nagdelulu din ako!”

Maging ang kaniyang sariling nararamdaman ay tinukoy niya nang sabihin niyang:

“Guys! Nagdelulu din ako! Sino ba naman ang hindi ma-i-in love? Ay, dyuskupo! O makakaramdam ng kahit na anong feelings, di ba?”

Samantala, bago ang naging emosyonal na pagtatapos ng KyThan, naging bahagi na rin ng online conversations tungkol kay Kylie ang kaniyang mga pakikipag-interact sa mga Korean TikTok creators.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, ibinahagi rin na nagbiro si Kylie tungkol sa pagkakaroon niya ng ilang nanliligaw at sinabing, “Alam mo 'yung saying na, 'collect then select.' Finally, I'm doing it, charot! At this age. Pero nagulat din ako.”

Mas nauna naman, nagbahagi siya ng isang lighthearted na post tungkol sa isang pares ng medyas na dapat sana ay regalo ngunit napunta na lamang sa kaniya matapos ang isang breakup.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate