Pau Fajardo, agaw-pansin ang ganda sa kanyang binahaging pictures

Pau Fajardo, agaw-pansin ang ganda sa kanyang binahaging pictures

- Marami ang nakapansin na mas lalong blooming si Pau Fajardo sa kanyang social media posts

- Bukod sa kanyang natural na ganda, mukha daw itong masaya at in love

- Marami naman sa kanyang mga followers ang patuloy na naghahayag ng kanilang kasiyahan para kay Pau

- Binahagi ni Pau ang mga pictures niya sa kanyang Thailand trip kasama ang rumored boyfriend

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Blooming si Pau Fajardo sa kanyang binahaging mga pictures kung saan kasama niya ang rumored boyfriend. Matapos ang kontrobersiyal na paghihiwalay nila ng kanyang ex ay marami sa followers niya ang hangad na maging masaya si Pau.

Pau Fajardo, agaw-pansin ang ganda sa kanyang binaging pictures
Pau Fajardo, agaw-pansin ang ganda sa kanyang binaging pictures
Source: Instagram

Kuha pa rin ang pictures sa Thailand. Hindi man pormal na pinakilala ni Pau ang rumored boyfriend, lagi naman itong kalakip sa kanyang mga posts.

Read also

Pau Fajardo, muling nag-post ng picture na kasama ang rumored boyfriend

Narito ang mensahe ng kanyang mga tagasuporta sa sinasabing bagong pag-ibig ni Pau:

Para akong atakihin sa pusoang daming bituin nagniningning kakakilig abot hanggang langit.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Beautiful Pau enjoy your holiday to the fullest with PJ bagay na bagay kau, we are so proud of you our Dearest Pau.
Nakaka-Pausitive vibes naman post mo Pau. ❤️❤️❤️ lahat kami masaya for you! Answered prayer ng lahat for you. God is good all the time talaga. The right person will come at the right time.

Si Pau Fajardo ay isang modelo, social media personality na nakilala bilang long-time girlfriend ng basketbolistang si Scottie Thompson na isang professional Basketball player na naglalaro para sa koponang Barangay Ginebra San Miguel na kabilang sa Philippine Basketball Association. Ikinagulat ng mga netizens lalo na ng mga fans na umaasa na sila ang ikakasal matapos mag-propose ni Scottie kay Pau noong Enero taong 2021.

Read also

Izzy Trazona, ibinida ang picture niya kasama ang mga anak at asawa

Inako ng ni Scottie na siya ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay ng longtime girlfriend na si Pau Fajardo. Kinumpirma din ng kampo ni Scottie Thompson na matapos ang hiwalayan kinasal ito ng patago sa isang sikat na social media influencer na kinilalang si Jinky Serrano. Ayon sa inilabas na balita ng Spin.ph, naganap ang kanilang private wedding sa Las Piñas.

Samantala, sa isang video na binahagi ng YouTube channel na StarsPhotog Vidz, naitanong kay Pau Fajardo kung napatawad na ba niya ang ex-fiancé na si Scottie Thompson. Hindi ipinagkaila ni Pau na nasa proseso pa rin siya ng pag-mo-move on. Aniya, kailangan antayin ang tamang panahon kung kailan siya makakapagpatawad dahil aniya ay hindi naman madali ang nangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel